BREAKING NEWS

BABALA sa Holy Week para iwas-budol, aksidente, krimen

BABALA sa Mahal Na Araw para iwas-budol, aksidente, krimen

SURE na sure kami na karamihan sa atin ay nasa vacation mode na dahil palapit na nang palapit ang paggunita ng buong mundo sa Holy Week.

Siguradong ngayon pa lang ay getting ready at looking forward na ang lahat sa inaasam na much-needed vacation.

Pero, wait lang mga besh! Bago tuluyang mag-alisan at magpunta sa iba't ibang lugar ngayong Holy Week, make sure na planadong mabuti ang mga kailangang gawin para maging ligtas, exciting at maayos ang inyong pagtitika at pagbabakasyon.

Kaya naman mga ka-BANDERA, narito ang ilang safe travel tips mula sa Philippine National Police at ilan pang ahensiya ng gobyerno upang magsilbing gabay sa inyong Holy Week vacation.

Of course, very basic na ang "BLOWBAGETS" bago kayo magbiyahe. Siguruhing i-double check ang mga sumusunod bago gamitin ang inyong mga sasakyan.

BATTERY

LIGHTS

OIL

WATER

BRAKE

AIR

GAS

TIRES

ENGINE

SELF

Narito pa ang ilang tips na maaaring makatulong sa inyong ligtas at maayos na pagbibiyahe:

1. Magdala lang ng sapat na pera. Mas mainam kung na-budget n'yo na nang bonggang-bongga ang inyong bakasyon.

2. Maglaan ng ibang wallet para sa emergency funds at iwasang ipakita ang laman ng inyong wallet sa matataong lugar kapag may bibilhin.

3. Sa mga magdadala ng sasakyan, siguruhing palaging naka-lock ang inyong mga pinto and keep your valuables out of sight at mag-park sa mga maliwanag na lugar.

4. Kung kinakailangang huminto sa isang lugar, tulad ng gasolinahan o convenience store, huwag na huwag iwan ang mga kasamang bata sa sasakyan pati na ang mahahalagang gamit.

5. Palaging dalhin ang school o company ID na may nakasulat na contact information para agad na matawagan in case of emergency.

6. Kung keribels, travel with friends. There is safety in numbers.

7. Never, as in never tatanggap ng food or drinks mula sa mga taong hindi n'yo kakilala. Palaging isipin na maaari kayong mapahamak dahil dito.

8. Kung hindi naman kailangan, huwag nang magsuot ng alahas at palaging bantayan ang dalang bag at wallet lalo na kapag nasa public area o nasa loob ng restaurant. Okay nang maging praning kesa naman magsisi at umiyak sa ending.

9. Kung sakaling mabiktima ng hold-up (huwag naman sana, knock on wood), huwag nang manlaban. Ibigay na ang hinihingi ng hayop na holdaper na yan para hindi na kayo masaktan.

10. Kung magko-commute naman, siguruhing bantay-sarado ang mga gamit pati na ang mga kasamang bata. Pigilan ang antok habang bumibiyahe dahil baka mabiktima ka ng Salisi Gang at kung anu-ano pang gang na nagkalat sa tabi-tabi.

11. Huwag na huwag ding kalimutan magdala ng first aid kit, kung saan pwede n'yong ilagay ang iba't ibang klase ng gamot na kakailanganin n'yo sakaling may emergency. 

Sana'y huwag n'yong dedmahin ang mga travel at safety tips na ito, mas mabuti na ang maging handa kesa magsisi sa huli. Enjoy your vacation mga ka-BANDERA!

The post BABALA sa Holy Week para iwas-budol, aksidente, krimen appeared first on Bandera.


BABALA sa Holy Week para iwas-budol, aksidente, krimen BABALA sa Holy Week para iwas-budol, aksidente, krimen Reviewed by pinoyako on March 24, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close