Big boss ng ABS-CBN, TV5 muling nag-usap para sa bagong collab

KALAT na ang balitang nag-uusap ang dating chairman ng ABS-CBN na si Gabby Lopez lll at TV5 big boss and Mediaquest/Cignal Chairman na si Manuel V. Pangilinan.
Matatandaang nagkaroon ng falling out o pinutol na ang content partnership ng Kapamilya at Kapatid network noong nakaraang taon.
Ito'y dahil sa hindi raw pagbabayad ng utang ng ABS-CBN na umabot sa mahigit P900 milyon kaya lahat ng programa nito na umeere sa TV5 ay pinatigil na pagpasok ng Enero, 2026.
Tulad ng mga nauna naming nasulat dito sa BANDERA ay wala raw alam si MVP dahil hindi nakarating sa kanya ang desisyon ng ex-TV executive na sinasabing naka-leave ngayon, si Ms. Jane Basa.
At bilang chairman ay sinagot niya ng, "It is what it is" sa mga nagtatanong tungkol sa falling out nila ng ABS-CBN.
Pero heto at ilang buwan pa lang ang nakalilipas ay okay na sina MVP at Ginoong Gabby para sa partnership content na mangyayari.
"Balik partnership na ulit sila, kaso para lang sa content ng panghapon programa dahil hindi na puwede sa gabi dahil sa ALLTV2 na pag-aari ng Advance Media Broadcasting System," sabi ng aming source.
Samantala, kinumpirma na rin ng aming source na hindi na makikialam si Ms. Sienna Olaso bilang supervising producer/executive producer ng mga programa ng TV5 dahil pinag focus na siya sa sports.
At ang bagong chief financial officer ng MediaQuest ay isa sa trusted ni MVP na si Ginoong Christopher Lizo na ilang dekada na ring bahagi sa ibang kumpanya.
Nananatiling si Ginoong Ricky Vargas ang officer-in-charge ng TV5 mula nang mawala si Ms. Jane Basa na inakala naman ng lahat ay si Ms. Sienna Olaso ang next in line pero binigyan ito ng ibang assignment.
Marami namang natuwa sa bagong upong executive sa mahahalagang posisyon sa TV5.
The post Big boss ng ABS-CBN, TV5 muling nag-usap para sa bagong collab appeared first on Bandera.

No comments: