BREAKING NEWS

Amihan humihina na; mas mainit, maalinsangang panahon aasahan

Amihan humihina na; mas mainit, maalinsangang panahon aasahan

GOODBYE malamig na hangin, hello mainit na panahon!

Ibinalita na kasi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na humihina na ang northeast monsoon o amihan.

Ang ibig sabihin niyan, nalalapit na ang mas mainit at maalinsangang panahon sa malaking bahagi ng bansa!

Base pa nga sa latest report ng weather bureau, ang amihan ay may epekto na lamang sa Northern at Central Luzon.

Baka Bet Mo: PAGASA ibinandera na ang mga pangalan ng bagyo sa 2026

Ipinaliwanag din na pagsapit ngayong araw ng Huwebes, March 19, posibleng sa extreme Northern Luzon na lang maramdaman ang amihan, habang unti-unting iinit ang panahon sa iba't ibang lugar sa bansa.

Dahil sa paghina ng amihan, nagbabala ang Pagasa sa unti-unting pagtaas ng heat index, lalo na sa Mindanao.

Ang heat index ay ang init na nararamdaman ng katawan kapag pinagsama ang temperatura ng hangin at halumigmig.

"As the northeast monsoon weakens, we expect a large part of the country to experience an increase in the heat index," sey ni Pagasa weather specialist Chenel Dominguez.

Ipinaalala rin ng ahensya na ang heat index na nasa "extreme caution" level na 33 hanggang 41 degrees Celsius ay maaaring magdulot ng heat cramps at heat exhaustion, at kapag tumagal ang exposure ay pwedeng mauwi sa heat stroke.

Sa ngayon, wala pang binabantayang tropical cyclone o low-pressure area sa loob o labas ng Philippine Area of Responsibility.

The post Amihan humihina na; mas mainit, maalinsangang panahon aasahan appeared first on Bandera.


Amihan humihina na; mas mainit, maalinsangang panahon aasahan Amihan humihina na; mas mainit, maalinsangang panahon aasahan Reviewed by pinoyako on March 18, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close