BREAKING NEWS

Bea Alonzo, Vincent Co ikakasal na, marriage banns bumandera 

Bea Alonzo, Vincent Co ikakasal na, marriage banns bumandera 

MUKHANG tuloy na tuloy na nga ang kasal ng Kapuso actress na si Bea Alonzo sa kanyang boyfriend na si Vincent Co. 

Ito'y matapos kumalat sa social media ang sinasabing marriage banns ni Bea at ng presidente at direktor ng Puregold Price Club.

Mababasa sa naturang marriage banns na in-announce rin sa St. Peter the Apostle Parish sa Manila nitong nagdaang March 8 ang pangalan ng magkarelasyon.  

"Ferdinand Vincent Pe Co – Groom and Phylbert Angelli Escalante Ranollo – Bride" ang nakalista sa naturang wedding banns. Phylbert Angelli Escalante Ranollo ang tunay na pangalan ni Bea.

Baka Bet Mo: Bea Alonzo shookt sa tsismis kay Kris Aquino: 'Ha? Saan? Saan siya ninang?!'

Sa Pilipinas, isang public notice ang marriage banns na inilalabas sa respective parish ng bride at groom sa loob ng tatlong magkakasunod na linggo.

Isa kasi ito sa requirement para sa mga idaraos na Catholic wedding para masiguro na walang magiging isyu o problema sa bawat panig ng mga magpapakasal.

Karaniwang ipinaaalam at isinusimite ito apat na buwan bago ang araw ng seremonya.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang opisyal na pahayag sina Bea at Vincent hinggil sa  kanilang pagpapakasal ngayong taon.

The post Bea Alonzo, Vincent Co ikakasal na, marriage banns bumandera  appeared first on Bandera.


Bea Alonzo, Vincent Co ikakasal na, marriage banns bumandera  Bea Alonzo, Vincent Co ikakasal na, marriage banns bumandera  Reviewed by pinoyako on March 08, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close