Marcos hihingi ng ’emergency powers’ para iwas oil price hike

INANUNSYO ng Malakanyang na kukumbinsihin ni Pangulong Bongbong Marcos ang Kongreso na bigyan siya ng "emergency powers" para maibaba ang presyo ng mga produktong-petrolyo.
Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na ang Department of Energy (DOE) ang magsusumite ngayon araw, March 9, ng kahilingan sa ngalan ni Pangulong Marcos.
Gagamitin ng presidente ang emergency powers upang mabawasan ang excise tax sa mga produktong petrolyo.
Baka Bet Mo: Kris Aquino naka-bonding sina PBBM, Liza Marcos, nag-belated b-day lunch
Ito ay pansamantala lamang at kailangan ang pagsang-ayon ng Kongreso, giit pa ni Castro.
Bukod dito, nais din ng Punong Ehekutibo na maamyendahan ang Biofuels Act of 2006 para magamit ang bioethanol na mas mura at mabawasan pa ang epekto ng mataas na halaga ng langis dahil sa kaguluhan sa Middle East.
The post Marcos hihingi ng 'emergency powers' para iwas oil price hike appeared first on Bandera.

No comments: