Arron Villaflor pinagtripan ng mga bading dahil sa ‘sex video scandal’

IN FAIRNESS, biglang ingay ang nananahimik na pangalan ng aktor na si Arron Villaflor matapos kumalat ang umano'y sex video niya.
Biglang tumaas ang bilang ng kanyang mga followers sa social media at karamihan ay halos iisa ang komento – magaling daw pala siya sa kama at "gifted" pa.
Sandamakmak ding mga beki ang nagpo-post sa socmed na nagsasabing bet na bet nilang maka-one-night-stand at maging dyowa ang aktor.
Ito'y kahit na nga nilinaw na ng board member sa second district ng Tarlac na wala siyang video scandal at ang pinagpipiyestahan ngayon ng publiko ay mga eksena sa mga ginawa niyang Vivamax o VMX movies.
Paliwanag pa ng aktor, ginamit din daw ng mga kalaban niya sa politika ang isyu ng sex video noong kumandidato siya last elections.
Sabi pa ni Arron sa panayam ng Pep, "Okay yan, nakakatulong sa akin. Alam mo sa panahon ngayon, you cannot really dictate whatever you want to that person kasi I really do believe na nobody can help you but yourself."
Samantala, sana'y makatulong ang pag-ingay ng name ni Arron sa kanyang bagong pelikula na siya talaga ang lead star.
Ito ang action-suspense-drama na "Pater Noster" mula sa Viva Entertainment at LGK Films na idinirek ni Moutaz Kotrob.
Makakasama niya rito si Kayley Carrigan, na kilala sa kanyang husay sa martial arts, acrobatics, parkour, fight choreography at specialized stunt techniques, at ang veteran character actor na si Archi Adamos.
Matapos makaligtas sa kamatayan, ang anak ng isang mafia boss ay tumututol na sa kagustuhan ng kanyang ama at ayaw makibahagi sa gawaing kriminal. Ang pagtutol na ito ay magdudulot ng mas matinding karahasan.
Hindi nagtagumpay ang balak na asasinasyon kay Peter (Arron), pero naging malubha pa rin ito. Pagkatapos masalinan ng dugo, nag-iba na ang kanyang personalidad at hindi ito katanggap-tanggap kay (Archi) Deo.
Para matigil na si Peter sa pag-astang bakla, prostitute, at duwag, magsisimula ng gulo si Deo sa siyudad ng Milagros para makakuha ng dugo ng isang sanggano.
Makukuha ang dugo, pero ang grupo ni Deo na Alpha-Agila ay malalagas kaya mapipilitan silang magtago sa malayong isla. Doon, mas titindi ang pagnanais ni Peter na mamuhay nang mapayapa.
Samantala, pinaghahandaan na agad ni Deo ang kanilang muling paglusob sa Milagros.
Dahil sa magkaiba na ang kanilang prinsipyo at layunin, magiging magkalaban na rin ang mag-ama. Makadadagdag pa sa tensyon ang biglang pagsulpot ni Catherine, ang anak ni Deo na matagal na niyang kinalimutan. Ngayon, kanino kaya siya papanig?
Si Catherine ay ginagampanan ni Kayley na isang respetadong stuntwoman, at bagay sa kanya ang karakter na ito na sasabak sa mga maaksyong eksena.
Ilang beses nang napatunayan ni Arron ang kakayanan niya sa pagsasabuhay ng iba't ibang karakter dahil sa dami ng nagawa niyang primetime drama, soap opera, at pelikula.
Ngayon, tiyak na mabibihag niya ang mga manonood sa ipakikitang lalim na emosyon bilang Peter.
Kilala ang beteranong aktor na si Archi Damos sa kanyang pagiging natural sa pag-arte. Kahit sa mga supporting roles ay nagmamarka ang kanyang pagganap, at ngayong siya ang bidang si Deo, siguradong isa na naman itong karagdagan sa kanyang matagumpay na karera.
'Wag palampasin ang "Pater Noster" sa mga sinehan simula sa March 25, at tunghayan kung paanong minsan ang kapamilya ay nagsisilbing kulungan.
The post Arron Villaflor pinagtripan ng mga bading dahil sa 'sex video scandal' appeared first on Bandera.

No comments: