BREAKING NEWS

Women’s Month 2026: Dalagang Pinay inspirasyon sa pagbabago ng komunidad

Women's Month 2026: Dalagang Pinay inspirasyon sa pagbabago ng Komunidad
PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

SA edad na 21, hindi pa-cute sa social media ang inaatupag ni Shannaia Faith Cabungcal kundi tunay na malasakit.

Eksklusibong nakausap ng BANDERA si Shannaia, isang dalagang motivational speaker, good samaritan at negosyante na tahimik pero tuloy-tuloy ang pagtulong sa mga nangangailangan. 

Sa pagdiriwang ng Women's Month, mas lalong tumingkad ang kanyang mensahe na hindi hadlang ang edad o kasarian para gumawa ng malaking impact.

Kwento sa amin ni Shannaia, nagsimula ang lahat sa pagmamahal ng kanyang lola.

"Who I am today is because of my Lola. She raised me with so much love and care… she showed me that love isn't just a big gesture, but also the simplest act of kindness," sey niya.

Baka Bet Mo: Women's Month 2026: Barbie, Clara, Janine, iba pa sanib-pwersa sa Lilet Fair

Sa edad na 16 pa lamang, nagsimula na siyang bumisita sa mga shelter at magbahagi ng kung anong meron siya. 

Ngayon, limang taon na ang lumipas, hindi pa rin nagbabago ang kanyang misyong tumulong nang tahimik, tapat, at tuloy-tuloy.

At para sa mga hindi aware, ang 21-year-old na good samaritan ay may personal commitment na buwan-buwan ay dapat may isa hanggang dalawang grupo o komunidad siyang matulungan.

Nitong Enero lamang, nagbigay siya ng food support, cash assistance at oras para makinig sa mga lolo't lola sa isang home for the aged sa Marikina. 

Noong Pebrero naman, tumulong siya sa mga pasyente at pamilya sa Philippine Heart Center sa pamamagitan ng pagkain, pinansyal na ayuda, at simpleng pagdamay.

Para sa kanya, hindi kailangang engrande ang pagbibigay ng tulong.

Hindi lang komunidad ang natutulungan ni Faith, may mga indibidwal din na personal niyang ginabayan.

Isa na riyan ang 14-anyos na batang babae mula Cavite na sinuportahan niya sa pag-aaral sa ilalim ng ALS program, pati sa pang-araw-araw na pangangailangan. 

May 32-anyos na lalaking nawalan ng trabaho na pinatira niya pansamantala at tinulungang makabangon. 

May 23-anyos ding binigyan niya ng oportunidad at lakas ng loob para muling maniwala sa sarili.

Nabanggit din sa amin ni Shannaiah na hindi maiiwasang maliitin siya, lalo na't sa kanyang edad.

"One of my biggest challenges is being underestimated because of my age…pero instead na tignan ko yun as disadvantage, ginamit ko siyang lakas para ipakita na age doesn't define credibility," sambit niya.

Para kay Shannaiah, ang impact ay hindi nasusukat sa laki ng gesture.

"Hindi hadlang ang gender or age para tumulong…kahit gaano man yan kasimple, kung galing sa puso mo, malaking bagay 'yun," wika niya.

<iframe src="https://www.facebook.com/plugins/video.php?height=476&href=https%3A%2F%2Fwww.facebook.com%2Freel%2F1400376798131607%2F&show_text=false&width=260&t=0" width="260" height="476" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share" allowFullScreen="true"></iframe>

Isang paalala ngayong Women's Month na ang kababaihan, lalo na ang mga young girls, ay may kapangyarihang magsimula, kumilos, at magbago ng buhay.

Bilang motivational speaker, hindi lang puro salita ang dala ni Shannaih.

"I speak from authenticity… I share my real struggles, failures, lessons, and growth," chika niya sa aming interview.

Kapag nagsasalita siya sa mga paaralan at komunidad, madalas may kasama itong food assistance o maliit na tulong-pinansyal. 

Para sa kanya, ang inspirasyon ay mas epektibo kung may kasamang konkretong aksyon.

Dagdag pa niya, "Hindi naman natin kailangan maging mayaman para tumulong. Compassion doesn't require money, it requires willingness. Start where you are and use what you have."

Sa likod ng kanyang outreach work, si Shannaiah ay isang scholar-athlete sa swimming, consistent honor student, pintor na nagbebenta ng artworks mula P1,000 hanggang P12,000, at mahilig din sa golf para sa mental clarity at focus.

Hindi man siya lumaki sa marangyang buhay, lumaki naman siya sa tapang at pagmamahal. 

Ngayong Women's Month, malinaw ang panawagan ni Shannaih: "Your presence matters, your actions matter. Huwag kang matakot ipakita kung sino ka at kung ano ang kaya mong gawin."

Sa edad 21, ipinaalala ni Shannaia na ang kabataan ay hindi hadlang, ang pagiging babae ay hindi limitasyon, at ang kabutihan na kapag ginawang habit ay kayang magbago ng komunidad.

The post Women's Month 2026: Dalagang Pinay inspirasyon sa pagbabago ng komunidad appeared first on Bandera.


Women’s Month 2026: Dalagang Pinay inspirasyon sa pagbabago ng komunidad Women’s Month 2026: Dalagang Pinay inspirasyon sa pagbabago ng komunidad Reviewed by pinoyako on February 28, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close