Foreigner sumingit sa live news, sey ng netizens: Bring afam home!

ALIW ang naging hirit ng netizens sa ginawang pagsingit ng isang taga-Netherlands habang live na nag-uulat ang isang reporter kaugnay sa confirmation of charges hearing ng International Criminal Court (ICC) Pre-Trial Chamber I kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Habang naghahatid ng balita ang "One News" reporter na si Angela Lagunzad-Castro, isang lalaki ang biglang lumitaw sa kanyang likuran.
Sa una ay tila nailang ang reporter sa biglang pagsulpot ng lalaki at sinabing naka-live silang nagbabalita.
Baka Bet Mo: Miyembro ng defense team ni FPRRD bet ng netizens: Bring him home!
"For?" tanong ng foreigner.
"For the Philippines!" sagot naman ni Angela.
Kasunod nito ay ang ginawang pagbati ng foreigner sa mga Pinoy na manonood.
"Hello, Philippines! Welcome from The Netherlands," sey nito.
Inabot naman ni Angela ang earphone sa foreigner na nagbahagi ng kanyang mensahe ng pagsuporta sa kasalukuyang nangyayari sa bansa.
"Philippines, we will support, let's come together," sey ng pa foreigner.
Dagdag pa niya, "We're one big world Let's go!"
Nagpasalamat naman si Angela sa foreigner.
Agad namang nag-trending ang naturang video sa social media at umani ng samu't-saring komento mula sa madlang netizens.
"Ito na ba yung Organic Encounter?" saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, "Bring him to the Philippines hahaha."
"Bring afam home!" dagdag ng isa.
Sabi naman ng isa, "This is the only #BringHimHome that I'll support. Go ate."
"May isa na naman pong Pinay ang naiahon sa hirap. Joke lang po!" hirit naman ng isang netizen.
Samantala, ibinahagi naman ni Angela ang naturang video clip sa kanyang Facebook page.
"The things that happen when you report live at 3 in the morning (Hague time)," sey ng reporter.
The post Foreigner sumingit sa live news, sey ng netizens: Bring afam home! appeared first on Bandera.

No comments: