BREAKING NEWS

Karla Estrada hindi magbabagsak ng pera para iboto si Lella sa PBB: Dapat organic!

Karla Estrada hindi magbabagsak ng pera para iboto si Lella sa PBB: Dapat organic!

IPINALIWANAG ng TV host-actress na si Karla Estrada ang dahilan kung bakit ayaw niya at ng kanyang pamilya anng magbagsak ng boto para sa bunsong si Lella Ford.

Si Lella ay kasalukuyang parte ng Ultimate 8 ng "Pinoy Big Brother Celebrity Collab 2.0" at one step closer para tanghaling Kapamilya Big Winner.

Sa isang panayam, sinabi ni Karla na kung anuman ang gustong marating ng kanyang mga anak ay dapat paghirapan.

"Kailangan maintindihan ng taumbayan na hindi lang sa amin nanggagaling 'yan. Dahil ayoko rin naman eh. Gusto ko 'yung mga anak ko ine-exercise nila kung paano nila matutupad ang pangarap nila nang hindi kailangang nakatingin sa kung anong meron kaming pangsuporta," lahad ng TV host.

Baka Bet Mo: Karla Estrada payag nang ikasal si Daniel Padilla

"Dapat organic! Paghirapan mo 'yung pangarap mo or else balewala lahat 'yan," pagpapatuloy pa ni Karla.

Pag-amin niya, bago pa man pumasok si Lella sa loob ng Bahay ni Kuya ay humingi na ito ng tips mula sa kanya kung ano ang dapat gawin habang isa siyang housemate.

"Baunin mo lang 'yung kindness mo and you will never go wrong. And I guess sinunod naman niya. Mahirap kasing maging mabuti kung hindi naman [talaga mabuti]. Mahirap i-sustain. Pero ako tiwala ako kasi kilala ko ang puso ng anak ko. Kilala ko ang puso ni Lella," sey ni Karla.

Aniya, bagama't naging top violator ang anak ay alam niyang nagsisi ito at natuto sa pangyayari.

Lahad ni Karla, "Anuman ang nangyari, maging mabuti ka lang. Makisama ka lang kasi ikaw naman 'yun. It's very natural in you so you will never go wrong."

"Nagkamali man siya dahil tao naman pero nakita naman natin na siya ay ibinoto rin bilang pinakamabuting housemate sa loob ng bahay. Actually doon pa lang tagumpay na para sa akin 'yun bilang magulang."

Ngayong araw magaganap ang Big Night kung saan hihirangin mula sa kina Lella Ford, Joaquin Arce, Miguel Vergara, Krystal Mejes, Caprice Cayetano, Ashley Sarmiento, Princess Aliyah, at Heath Jornales ang magwawaging Big Winner.

The post Karla Estrada hindi magbabagsak ng pera para iboto si Lella sa PBB: Dapat organic! appeared first on Bandera.


Karla Estrada hindi magbabagsak ng pera para iboto si Lella sa PBB: Dapat organic! Karla Estrada hindi magbabagsak ng pera para iboto si Lella sa PBB: Dapat organic! Reviewed by pinoyako on February 28, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close