Will Ashley pinapatanggal sa ‘The Secrets of Hotel 88’, anyare?

NAGKAGULO na naman ang mga faneys sa social media matapos mag-viral ang isang petisyon na tanggalin ang Kapuso actor na si Will Ashley sa seryeng "The Secrets of Hotel 88".
Kalakip ng naturang petisyon ang isang open letter na naglalahad kung bakit kinakailangang alisin ang aktor sa naturang series.
"I'm writing as a concerned fan, we would like to request from Star Creatives, Star Magic, GMA Pictures to remove Will Ashley from the casts of The Secrets of Hotel 88.
"[H]is fans creating a toxic environment for the other fandoms involved in this prestigious project, We believe it is best to remove him before their fans cause irreparable damage to the show."
Baka Bet Mo: Will Ashley rumesbak sa nangba-bash sa height niya: Wala nang ibang mahanap?
Agad namang pumalag ang mga fans ni Will Ashley maging ang sumusuporta sa fandom ng WillCa (Will Ashley at Bianca De Vera) sa nakakalokang petisyon tungkol sa kanilang idol.
"Quaqu nakakahiya yung nag-petition hahaha. Out of toxicing the toxic fans because someone has to be the final boss," saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, "Wag magpaniwala sa mga ganitong pa petition kuno kay Will, Hindi gawain ng solid fans to. we support him all the way kahit sino pa ka pair nya at ano pa role, Gawain lang yan ng mga bitter sa kanya, trigger sila kc ung bias nila di maka usap pag anjan si Will."
""Parang mga baliw na nag-away2 na mga fans. Samantala yung mga idol niyo nag-sasaya, magkakaibigan! Bahala kayo jan!" sabi naman ng isa.
Samantala, wala pa namang pahayag si Will maging ang produksyon ng "The Secrets if Hotel 88" hinggil sa naturang petisyon.
The post Will Ashley pinapatanggal sa 'The Secrets of Hotel 88', anyare? appeared first on Bandera.

No comments: