TH na male TV host nilait-lait sa big event, ang tigas ng awra

DAHIL siguro sa nerbyos kaya idinadaan sa lakas ng boses at pagpapatawa nang wala namang dating ng trying hard male host na kinomisyon sa isang malaking event.
Nang banggitin ito sa amin ng mga Marites friends namin na mahilig sa showbiz ay pinanood namin ang male host at oo nga walang dating, ang stiff at napaisip kami bakit siya ang kinuha sa event kasama ang ibang hosts na magagaling.
Naikumpara tuloy ang male host sa mga kasama niya sa malaking event kaya hindi maganda ang feedback.
"Wala na bang ibang makuha kaya siya ____ (male host) pinagtiyagaan? Sabagay kahit sa pag-arte waley din, isang bagay lang puwede siyang purihin, may itsura naman pero hindi head turner," tsika pa ng Marites friends namin.
Sa pagkakakilala namin sa male host ay tila hindi naman siya naapektuhan sa mga comments laban sa kanya sa social media dahil wala naman kaming nababasang sinasagot niya ang bashers na nakakahanga rin naman.
Pero sana pag-aralan niya kung ano ang mga kulang niya sa kanyang propesyon tulad ng hosting, dapat pag-aralan niya ito at pagdating sa pag-arte siguro kailangan niyang mag-acting workshop.
Sabi ng iba ayaw nilang dumaan sa acting workshop para organic daw, e, wala talaga kaming makita sa kanya kaya kailangan talaga niyang dumaan sa workshop.
The post TH na male TV host nilait-lait sa big event, ang tigas ng awra appeared first on Bandera.

No comments: