BREAKING NEWS

Producers namahalan sa P200-M budget ng ‘The Kingdom’ nina Piolo at Derek

Producers namahalan sa P200-M budget ng 'The Kingdom' nina Piolo at Derek
Piolo Pascual at Derek Ramsay

FOLLOW-UP ito sa nasulat namin kahapon dito sa BANDERA tungkol sa pagkaka-shelve ng TV series na "The Kingdom: Magkabilang Mundo" starring Derek Ramsay and Piolo Pascual.

Nabasa raw ito ng ilang line producers na nasubukan nang maki-collab sa MQuest Ventures at Cignal Play at namahalan nga sila sa budget.

"Sobrang laki nga ng P200 million, puwedeng budget na 'yan ng ilang shows, kung baga hindi mo ilalagak sa iisang basket ang itlog, dapat hiwa-hiwalay mo para in case may lugi, ay may natira hindi 'yung isang bagsakan lang," komento ng aming source.

Dagdag pa, "Ang maganda hindi na si ___ (TV executive) ang may hawak pagdating sa mga movie o series dahil nalipat na siya sa ibang deparment kaya wala nang palakasan system sa pagpili ng project.  

"Dati kasi umiikot lang sa paboritong line producers hindi napagbibigyan ang iba.

"Ngayon, lahat ay welcome na sa pitching ng movies n shows, may bago silang taong inupo na mas may alam kumpara ro'n sa nalipat ng departamento na namimili lang," ayon sa aming causa.

May isa pang nagsabi sa amin, "'Yung mga nasa tuktok ng building nagtatanungan nga bakit hindi rin tinanggal si ___ (TV executive), e, kasama rin siya sa gusot nu'ng nawalang executive rin."

Well, baka naman kasi hindi ganu'n kalaki ang gusot na ginawa kaya na-retain or baka mas bagay siya sa departamentong pinaglagyan sa kanya.

The post Producers namahalan sa P200-M budget ng 'The Kingdom' nina Piolo at Derek appeared first on Bandera.


Producers namahalan sa P200-M budget ng ‘The Kingdom’ nina Piolo at Derek Producers namahalan sa P200-M budget ng ‘The Kingdom’ nina Piolo at Derek Reviewed by pinoyako on February 28, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close