Odette Khan naka-confine sa ospital, pamilya nanawagan ng tulong

NANAWAGAN ng tulong ang pamilya ng premyadong aktres na si Odette Khan na nakikipaglaban ngayon sa kanyang mga karamadaman.
Naka-confine ngayon sa National Kidney and Transplant Institute ang veteran actress mula pa noong February 21.
Base sa opisyal na pahayag ng kanyang anak na si Claudette Avelino-Tandoc na in-upload sa Facebook page ng pelikulang "Bar Boys," may pneumonia, emphysema at edema ang aktres.
Tinanggalan din ng fluid ang kanang baga ni Odette Khan bilang bahagi ng patuloy na isinasagawang medical treatment sa kanya.
Ayon kay Claudette, as February 27, umabot na sa mahigit P211,000 ang bill hospital ng aktres at hindi pa raa kabilang dito ang professional fees ng mga doktor, bayad sa mga reader, caregiving expenses, at mga gamot.
"We are running out of funds. I am appealing to your kind hearts, as Mommy Odette's child.
"She has served the film and television community with all her heart for over five decades.
"If she has touched you in any way during these years and you are capable and willing to donate, we would really appreciate it.
"Taos-pusong pasasalamat po in advance sa mga tutulong kay Mommy Odette," ang pahayag ni Claudette.
Nagpasalamat din ang pamilya sa lahat ng nga nagdarasal at tumutulong ngayon sa pagpapagamot ng veteran star.
Mababasa rin sa post ang mga detalye ng donation links at bank account numbers para sa mga gustong magpaabot ng financial assistance.
"God bless you back in multiple ways. Links and numbers donations are attached," sabi ng anak ni Odette.
Nito lamang nagdaang December, nagwaging Best Supporting Actress si Odette para sa pelikulang "Bar Boys", isa sa mga entry sa 2025 Metro Manila Film Festival, dahil sa natatangi niyang pagganap bilang Justice Hernandez.
The post Odette Khan naka-confine sa ospital, pamilya nanawagan ng tulong appeared first on Bandera.

No comments: