BREAKING NEWS

SSS may dagdag-pensyon, pero walang dagdag-hulog hanggang 2027

SSS may dagdag-pensyon, pero walang dagdag-hulog hanggang 2027
INQUIRER photo/Grig C. Montegrande

MAGANDANG balita sa mga miyembro ng SSS! 

Habang tuloy-tuloy ang dagdag-pensyon, panatag ang bulsa dahil walang dagdag-hulog hanggang 2027. 

Ayon kay Robert Joseph de Claro, president at CEO ng Social Security System (SSS), malakas ang financial position ng SSS kaya kayang tustusan ang mas mataas na pension payouts nang hindi kinakailangang magtaas ng kontribusyon.

Ang pahayag ay kasabay ng pagpapatupad ng multi-year pension increase ng SSS na tatakbo hanggang 2027. 

Baka Bet Mo: Bongbong Marcos inanunsyo pagkakaroon ng SSS emergency loan

Ibig sabihin, tuloy ang dagdag-pensyon pero walang galaw sa hulog ng mga miyembro na talaga namang good news para sa marami!

Suportado rin ito ni Frederick Go, na siya ring Chair ng Social Security Commission. 

Sabi niya, ang contribution increase ay "not on the agenda" at "not being discussed."

Sa tala ng SSS, umakyat ng 58.4 percent ang net income nito sa P142.97 billion noong nakaraang taon. 

Lumampas din sa trillion-peso mark ang reserve funds nito na umabot sa P1.065 trillion.

Kahit nagpapatuloy ang pension hike, inaasahan pa rin ng SSS na kikita ito ng hindi bababa sa P100 billion ngayong taon, na may minimum growth na 8 percent. 

Sa kasalukuyan, nananatiling pinaka-kumikitang government-owned and controlled corporation ang SSS.

Samantala, sinabi rin ni de Claro na pagdating ng 2029, halos isang dekada mula nang huling itaas ang contribution rate, nakadepende na sa Kongreso kung kakailanganin ang panibagong pagtaas.

The post SSS may dagdag-pensyon, pero walang dagdag-hulog hanggang 2027 appeared first on Bandera.


SSS may dagdag-pensyon, pero walang dagdag-hulog hanggang 2027 SSS may dagdag-pensyon, pero walang dagdag-hulog hanggang 2027 Reviewed by pinoyako on February 27, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close