Andi Eigenmann nagbabala sa scammer na ginagamit pangalan niya: Warning!

NAGPAALALA si Andi Eigenmann sa publiko matapos may isang scammer na nagkukunwaring siya para manghingi ng pera sa mga kaibigan niya para sa umano'y donation drive.
Sa kanyang Instagram Stories kamakailan lang, ibinandera ng celebrity mom ang mga screenshot ng mga usapan ng impostor sa kanyang mga kaibigan.
Sa isa sa mga chat, humihingi umano ng donasyon ang scammer para sa umano'y "donation drive" nina Eigenmann at ng partner niyang si Philmar Alipayo para sa mga surfers at sea cleanup.
"Warning! Someone is posing as me on Telegram and attempting to solicit money in the guise of a donation drive!" bungad ni Andi sa kanyang post.
Baka Bet Mo: Andi pangarap maging Dyesebel: Pero talagang mas bagay si Anne!
Giit pa niya, "Please be advised that I will never in my life ask anyone for money."
"Please do not engage! Please do not assume I talk that way through messaging either," dagdag pa niya.
At may konting pang-asar pa kay scammer: "Please fix your grammar if you want to pose as me!"
Pero hindi lang basta donation drive ang modus ng scammer, dahil sinubukan pa nitong manghiram ng pera kapag umabot sa daily withdrawal limit ng biktima.
"Nice try, scammer! You could've at least tried to take notes off my tone on social media," ang nakakatawang puna ni Eigenmann.
Aniya, "It takes a slytherin to impersonate a slytherin."

Hindi ito ang unang pagkakataon na may celebrity na nabiktima ng ganitong modus.
Sina Vice Ganda, Rufa Mae Quinto, Marvin Agustin at Ronnie Liang ay ilan lang sa mga naging target ng mga scammer.
The post Andi Eigenmann nagbabala sa scammer na ginagamit pangalan niya: Warning! appeared first on Bandera.

No comments: