Elisse Joson ayaw nang balikan si McCoy de Leon? ‘Focus sa anak na lang’

TILA finish na talaga ang relasyon nina McCoy de Leon at Elisse Joson.
Ito ay ayon sa latest chika mismo ng aktres sa naging guesting niya sa "Moment to Moment with Coach Pia" podcast.
Iginiit din ni Elisse na ang priority nila ngayon ay ang kanilang anak na si Felize.
"I think right now our focus is really on Felize and keeping the peace and harmony," sey ng celebrity mom nang tanungin kung may tsansa pa bang maibalik ang love story nila ni McCoy.
Baka Bet Mo: Elisse Joson never naging kabit: Leaving false narratives in 2025!
Chika pa niya, "Kasi may mga times po na kahit anong try niyo to fix your differences, hindi po nagwo-work. So let's leave it like that and focus on what matters."
Nilinaw ng aktres na parehong pinapangalagaan nila ni McCoy ang kanilang emotional healing, habang inihahanda ang tamang co-parenting setup para sa kanilang anak.
"So there are days na we will still go eat together as a family, play with her, spend time with her. So we really make an effort to be there for her, the both of us, with her," esplika niya.
At syempre, ipinapaliwanag din nila kay Felize na, "Mommy and Daddy are just friends now."
Matatandaang noong July 2025, kinumpirma ni Elisse na mutually nilang napagdesisyunang tapusin ang relasyon.
Nagsimula ang love story nila sa "Pinoy Big Brother" house noong 2016 at naging on-and-off ang kanilang relasyon.
Nagkaroon sila ng unang breakup noong 2018, nagkabalikan bago mag-COVID-19 pandemic, at sabay na nag-welcome ng kanilang anak na si Felize noong 2021.
Noong 2023, nabulabog ang relasyon dahil sa mga chismis ng infidelity, pero tila naayos rin nila ito makalipas ang isang buwan.
The post Elisse Joson ayaw nang balikan si McCoy de Leon? 'Focus sa anak na lang' appeared first on Bandera.

No comments: