Rock ‘n’ roll legend Neil Sedaka pumanaw na sa edad 86

TULUYAN nang sumakabilang-buhay ang hit-making singer-songwriter na si Neil Sedaka sa edad na 86.
Nakilala si Sedaka sa kanyang boyish soprano at mga kantang may bright at catchy melodies na tumatak noong early years ng rock 'n' roll.
Dalawang beses siyang sumikat: una noong huling bahagi ng 1950s hanggang early 1960s, at muling nagbalik sa charts noong 1970s.
Kabilang sa kanyang mga pinasikat ang "Breaking Up Is Hard to Do" at "Laughter in the Rain," na hanggang ngayon ay kinakanta pa rin ng iba't ibang henerasyon.
Baka Bet Mo: Jimmy Regino ng April Boys pumanaw na; kapatid na si Vingo iyak nang iyak
"Our family is devastated by the sudden passing of our beloved husband, father and grandfather, Neil Sedaka," sey ng kanyang pamilya sa isang pahayag.
Aniya pa, "A true rock and roll legend, an inspiration to millions, but most importantly, at least to those of us who were lucky enough to know him, an incredible human being who will be deeply missed."
Wala pang ibinigay na karagdagang detalye tungkol sa sanhi ng kanyang pagpanaw.
Bahagi si Sedaka ng kilalang Brill Building songwriting factory sa New York, kung saan nakipagtambalan siya sa kaibigang si Howard Greenfield.
Mula sa kanilang partnership, isinilang ang mga kantang sumalamin sa teen innocence ng post-Elvis at pre-Beatles era gaya ng "Happy Birthday Sweet Sixteen," "Calendar Girl," at "Oh! Carol," isang awit na inialay niya sa kanyang high school sweetheart na si Carole King.
Matapos ang ilang taong tila natahimik ang kanyang career, muling umarangkada si Sedaka noong 1970s sa pamamagitan ng mga kantang "Laughter in the Rain" at "Bad Blood."
Isinilang sa Brooklyn, New York, si Sedaka ay anak ng isang Jewish taxi driver at nagtapos sa prestihiyosong Juilliard School.
Bata pa lang ay tumutugtog at kumakanta na siya, at hindi na tumigil pa sa loob ng ilang dekada.
Kahit lampas 80 anyos na, patuloy pa rin siyang nagko-concert bawat taon.
Sa kabuuan ng kanyang karera, milyon-milyong kopya ng kanyang mga awitin ang naibenta sa buong mundo.
Na-cover din ang kanyang mga kanta ng mga higante sa musika tulad nina Elvis Presley at Frank Sinatra, pati ng mga grupong gaya ng The 5th Dimension at Nickelback.
Tumulong din si Sedaka sa pag-angat ng career ng singer na si Connie Francis sa pamamagitan ng mga kantang "Stupid Cupid" at "Where the Boys Are."
The post Rock 'n' roll legend Neil Sedaka pumanaw na sa edad 86 appeared first on Bandera.

No comments: