BREAKING NEWS

Bela Padilla hindi bet magpa-freeze ng egg cells, bakit kaya?

Bela Padilla hindi bet magpa-freeze ng egg cells, bakit kaya?
PHOTO: Instagram/@bela

HINDI kasama sa plano ng aktres na si Bela Padilla ang pag-freeze ng kanyang egg cells, kahit siya ay hinihikayat na ng malapit na kaibigan na si Kim Chiu. 

Ayon kay Bela, may dahilan ito…medikal nga raw!

Sa kanyang interview sa "Fast Talk with Boy Abunda," tinanong siya ng show host kung susubukan niya rin ang egg-freezing.

"Nabalita si Kimmy and the egg-freezing thing. Is that something that you would do?" tanong ng King of Talk na si Boy Abunda.

Baka Bet Mo: Bela Padilla 'patay-gutom' sa Paris; Carlo super loyal kay Charlie Dizon

Sagot ni Bela: "Actually, she asked me a few years ago if we would do it together because we're the same age."

"But I can't, I can't do that for medical reasons," paliwanag ng aktres, pero hindi na nagbigay ng detalye.

Ngunit siyempre, suportado niya si Kim: "I'm very happy for Kim that she took that step in her life, you know, if this is what she really wants to do."

Dagdag pa niya, "Ako naman kasi, my thinking is more — if it's meant for me, it will happen one day. But if it's not, then I feel like there are other options."

Sa parehong panayam, tinugunan din ni Bela ang chika tungkol sa bagong pag-ibig niya matapos siyang makipaghiwalay kay Norman Bay noong 2025. 

Paglilinaw niya, wala pa siyang boyfriend sa ngayo pero may isang "somebody" daw na nagpapangiti sa kanya.

The post Bela Padilla hindi bet magpa-freeze ng egg cells, bakit kaya? appeared first on Bandera.


Bela Padilla hindi bet magpa-freeze ng egg cells, bakit kaya? Bela Padilla hindi bet magpa-freeze ng egg cells, bakit kaya? Reviewed by pinoyako on February 27, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close