#SerbisyoBandera: Mula saleslady to Fairy Gold Mother inspirasyon sa sipag, tagumpay

JUST in time sa papalapit na Women's Month, very inspiring ang kwento ng tagumpay ng isang dating saleslady na ngayon ay itinuturing na "Fairy Gold Mother."
Napatunayan ni Mayet De La Rosa na sa sipag, tiyaga, at determinasyon, walang imposible sa pag-abot ng inyong mga pangarap.
Bago pa man ang mga mamahaling alahas at diamond collections, nagsimula si Mayet bilang saleslady.
"Naging saleslady ako. So pangarap ko lang lahat ng alahas, 'di ba? Nakikita ko sila ang gaganda ng alahas. Sabi ko, 'balang araw, meron din ako niyan.' Kapag ginusto mo at gusto mo talagang marating 'yun, mararating mo 'yun! Sipagan mo lang din," kwento niya sa isang presscon na dinaluhan ng BANDERA.
Baka Bet Mo: ALAMIN: Jewelry trends na patok sa 2026? 'Chunky, chic, at timeless'
Dahil sa kanyang malasakit at dedikasyon, nakilala siya sa tawag na "Fairy Gold Mother."
"Nakita mo naman 'yung awrahan ko, mahilig ako naka-mini skirt tapos naging fairy. Eh kasi parang sabi nila kasi, si Madam Mayet laging ano yan eh, walang imposible," dagdag niya.
Ayon kay Nicole Hyala, brand ambassador ng Mayet De La Rosa Fine Jewelry, "I think ito talaga eh. 'Di ba in the same way that Cinderella. Ganun siya. 'Yung fairy godmother that can do anything…Wala akong narinig na sabi niya 'wala eh.' It's always, 'meron ko niyan, kaya ko yan'."
Sa likod ng kanyang tagumpay, malinaw ang mindset ni Mayet: "Gusto ko kasi talaga yumaman! Kasi walang imposible sa jewelry eh… Mag-hintay lang kayo, meron ako niyan lahat. Walang imposible!"
Hindi lang trabaho ang inspirasyon niya, kundi pati ang pamamaraan ng pagbibigay at pagtulong sa iba.
"Naniniwala kasi ako pag mas mapagbigay ka, 'yung blessing talaga babalik lalo na sa negosyo, 'yun talaga ang sikreto sa negosyo. Dapat mas mapagbigay," paliwanag niya.
Ayon kay Richard De La Rosa, mister ni Mayet at presidente ng nasabing jewelry company: "Jewelry is not just measured in carats or grams, it is measured in meaning. When people come to us, hindi siya 'yung random purchase. Usually, it is engagement, wedding rings, anniversary, graduation, and gift sa mga parents… it's part of family traditions."
Ngayong 2026, ipinagdiriwang ng Mayet De La Rosa Fine Jewelry ang 20 years ng excellence sa craft at 25 years ng Dela Rosa Jewelry Corporation, kasabay ng paglulunsad ng kanilang 2026 Jewelry Collection na may natural diamonds at Monaco pieces.
Ang bawat piraso ay idinisenyo upang maging timeless, meaningful, at investment-grade.
Si Mayet ay inspirasyon sa lahat ng kababaihan na maniwala sa sariling kakayahan, magsikap, at huwag matakot mangarap.
Sa kanyang dedikasyon, ipinapakita na ang tunay na tagumpay ay hindi lang sa kinikita o sa ganda ng alahas, kundi sa legacy at kwento na naiiwan sa susunod na henerasyon.
The post #SerbisyoBandera: Mula saleslady to Fairy Gold Mother inspirasyon sa sipag, tagumpay appeared first on Bandera.

No comments: