Manon ng KATSEYE magpapahinga muna: ‘To focus on her health, wellbeing’

PANSAMANTALANG hindi muna makikita sa group activities ang isa sa miyembro ng KATSEYE na si Manon Bannerman.
Nagdesisyon si Manon na mag-hiatus upang pagtuunan ng pansin ang kanyang kalusugan at personal na kapakanan.
Inanunsyo ito ng HYBE x Geffen sa pamamagitan ng isang statement na inilabas sa fan platform na Weverse kamakailan lang.
"After open and thoughtful conversations together, we are sharing that Manon will be taking a temporary hiatus from group activities to focus on her health and wellbeing," sey ng kumpanya.
Baka Bet Mo: KATSEYE Sophia napahanga sa SB19: I'm obsessed
"We fully support this decision. KATSEYE remains committed to showing up for one another and for the fans who mean everything to us," dagdag pa nila, ngunit hindi na nagbigay ng iba pang detalye.
Tiniyak din ng kumpanya sa kanilang fans na tinatawag na EYEKONS na magpapatuloy ang naka-line up na activities ng iba pang miyembro na sina Sophia, Daniela, Lara, Megan at Yoonchae.
"We look forward to being together again when the time is right," saad pa sa pahayag.
Anila, "Thank you to our EYEKONS for your continued love, patience, and understanding."
Ang pagpapahinga ni Manon ay nangyari ilang linggo lamang matapos ang sunod-sunod na milestones ng grupo, kabilang ang kanilang unang nominasyon at performance sa Grammy Awards.
Mas lalo pang umingay ang pangalan ng grupo nang ma-feature sila sa isang patalastas sa nagdaang Super Bowl.
Samantala, nauna nang inihayag ng KATSEYE na maglalabas sila ng bagong musika ngayong taon, na inilarawan nila bilang "colorful, hot and fierce."
The post Manon ng KATSEYE magpapahinga muna: 'To focus on her health, wellbeing' appeared first on Bandera.

No comments: