News anchor natawa habang ibinabalita paglalaro ni ‘Bol Bol’ sa PBA

VIRAL ngayon ang pagbabalita ng isang news anchor dahil sa bigla niyang pagtawa nang banggitin ang pangalan ng National Basketball Association (NBA) player na si "Bol Bol".
Super laugh ang netizens nang mapanood ang video clip ni "Balitang A2Z" news anchor Barbie Muhlach habang ibinabalita ang pagdating sa Pilipinas at paglalaro ni "Bol Bol" sa Philippine Basketball Association (PBA).
Nasa bansa ngayon ang cager at nakatakdang maglaro para sa TNT Tropang 5G.
Mapapanood sa video si Barbie na pinipigilan pa ang pagtawa nang banggitin ang pangalan ni "Bol Bol" hanggang sa tuluyan na siyang tumawa habang nagre-report.
Baka Bet Mo: P-Noy natawa nang malamang nagde-date sina Kris at Herbert
Kasunod nito, ipinost ng co-news anchor ni Barbie sa naturang programa na si Raff Herida ang kanyang video sa social media.
"Kaya pa Ms Barbie Muhlach?" ang caption ni Raff.
Ibinahagi rin ni Barbie ang kanyang video sa kanyang socmed account at sinabing natawa raw siya nang makitang nagtatawanan ang ilang kasamahan sa studio.
"Kasalanan mo to Kaka Raff Herida. Buti naman at we can all share a light hearted moment ahead of yet another series of stressful and polarizing news events this coming week.
"Been paying my due in media since 2009 and di ko talaga akalain matatawa pa ko but It's the muffled laughs at the studio that really got me ahahaha," paliwanag niya.
Mensahe pa niya, "I just hope we did not offend Mr. Bol."
Natawa marahil ang news anchor at mga kasamahan sa studio dahil katunog ng pangalan ng basketball player ang Tagalog word na "b*lb*l" o "pubic hair" sa wikang Ingles.
Si Bol Bol ay isang South Sudanese-American NBA basketball player na maglalaro nga ngayon bilang import player sa TNT Tropang 5G sa 2026 PBA Commissioner's Cup.
Ilan sa mga team na kinabilangan ng cager sa NBA ay ang Denver Nuggets, Orlando Magic, at Phoenix Suns mula 2019 hanggang 2025.
The post News anchor natawa habang ibinabalita paglalaro ni 'Bol Bol' sa PBA appeared first on Bandera.

No comments: