WALANG PASOK: Ilang paaralan, LGU nagsuspinde sa Feb. 25 dahil sa EDSA 40

PARA magbigay-daan sa paggunita ng ika-40th anniversary ng EDSA People Power Revolution, nagdeklara na ng walang pasok ang ilang eskwelahan at lokal na pamahalaan para sa February 25.
Kung matatandaan, ang nasabing petsa ang makasaysayang araw na nagpatalsik sa dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa pamamagitan ng mapayapang pag-aaklas ng taumbayan sa EDSA noong 1986.
Kabilang sa mga nag-anunsyo ng suspensyon o asynchronous/alternative learning activities ang mga sumusunod:
University of Santo Tomas
University of the Philippines (Alternative learning day)
Far Eastern University (Alternative learning day)
Miriam College (Day of Reflection)
Baka Bet Mo: Vico Sotto sa mga raliyista: Hindi naman yung mga corrupt ang masasaktan
Adamson University
Colegio de San Juan de Letran
San Beda University
De La Salle Philippines
University of the East
Philippine Normal University
St. Louis University
University of San Carlos
Central Philippine University
Davao Oriental State University
Notre Dame of Marbel University
University of Negros Occidental – Recoletos
Saint Paul University Quezon City
Xavier School
La Salle Green Hills
Bukod sa mga nabanggit, mahigit 80 pang paaralan sa iba't ibang panig ng bansa ang nagpatupad ng class suspension o asynchronous setup bilang bahagi ng paggunita sa EDSA 40.
Samantala, nag-anunsyo rin ang pamahalaang lokal ng Capas sa Tarlac ng suspensyon ng klase mula elementarya hanggang sekondarya sa mga pampublikong paaralan, pati na rin ng trabaho sa kanilang tanggapan.
The post WALANG PASOK: Ilang paaralan, LGU nagsuspinde sa Feb. 25 dahil sa EDSA 40 appeared first on Bandera.

No comments: