Malamig na weather papalitan na ng maalinsangang panahon – Pagasa

SA susunod na mga araw ang nararanasang malamig na panahon ay mapapalitan na maalinsangang panahon.
Ito ay ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).
Ito ay bunga ng paghina ng amihan at mamayani na ang hangin na nagmumula sa silangan o sa bahagi ng Dagat Pasipiko.
Noong nakaraang taon, nagsimula ang amihan ng Oktubre 27.
At sa pagbanggaan ng malamig at mainit na hangin ay magbubunga ng maulap na kalangitan sa Timog Luzon at sa Visayas.
Walang binabantayan na low pressure area o LPA ang Pagasa sa loob at labas ng Philippine area o responsibility (PAR).
The post Malamig na weather papalitan na ng maalinsangang panahon – Pagasa appeared first on Bandera.

No comments: