Robin Padilla pinuri si Phillip: Isa kang tunay na kaibigan at lingkod bayan

MULING napatunayan ni Sen. Robin Padilla ang pagiging tunay na kaibigan ng veteran actor na si Phillip Salvador.
May pa-shoutout ang action star at politician para sa kanyang "Kuya Ipe" matapos itong makiramay sa pagpanaw ng lola ng kanyang asawang si Mariel Rodriguez.
Nag-post si Sen. Robin sa Facebook ngayong Lunes, February 23, ng litrato kung saan makikita ang personal na pagbisita ni Phillip sa burol ng yumaong lola ni Mariel na si Ginang May Panlilio Sazon.
Ayon sa aktor at senador, ibang klase raw talagang kaibigan si Phillip dahil hindi ito nakalilimot sa mga tumulong at sumuporta para sa "DuterTEN" noon.
"Iba ka talaga kuya ipe. Hindi ka po marunong makalimot sa taong tumulong ng libre at gumastos para sa Duterten," ani Padilla.
Aniya, personal na nakiramay si Phillip sa kanyang misis na si Mariel na nagdadalamhati ngayon dahil sa pagpanaw ng lola nito.
"Sa oras na kailangan ni Mariel ang personal na suporta sa biglaang pagpanaw ng kaniyang pinakamamahal na lola ay dumating ka at nakipagdalamhati sa kanya," lahad ni Sen. Robin.
Mensahe pa ng action star, "Isa kang Tunay na kaibigan at lingkod bayan."
Narito ang ilang reaksyon na nabasa namin sa comments section ng FB post ni Robin Padilla.
"Yan ang idol ko talaga, Kuya Ipe kaw na tumakbong VP para sure win. Magaling sumayaw yan nakaka tuwa."
"Ito mga tao may utang na loob at may mabuting puso."
"Mabait talaga yan si Philip Salvador. Isa yan siya sa action o kontrabidang hinahangaan ko."
"Ang tunay na kaibigan walang iwanan ,pero ung iba kinakain ng sistema ng pulitika."
The post Robin Padilla pinuri si Phillip: Isa kang tunay na kaibigan at lingkod bayan appeared first on Bandera.

No comments: