BREAKING NEWS

Jordan Andrews, Omar Uddin, Lance Reblando winner na winner sa teatro

Jordan Andrews, Omar Uddin, Lance Reblando winner na winner sa teatro
Omar Uddin, Lance Reblando at Jordan Andrews

SA unang Spotlight presscon ng 2026, tampok ang ilan sa mga theater artists ng Star Magic na nagpapakita ng galing sa lokal na entablado. 

Produkto ng Star Circle Batch 15, nakilala ng publiko si Jordan Andrews sa PBB Kumunity Season 10 Celebrity Edition. 

Mula noon, tuluy-tuloy ang kanyang pagbuo ng karera sa teatro. Ilan sa kanyang mga naging produksyon ay "Ang Huling El Bimbo", "Tabing Ilog: The Musical", "Joseph the Dreamer", at "Shrek The Musical."

Ngayong taon, naging bahagi siya ng "Re-Orient: Narratives From Asian Voices (Play 1 – Stage Reading)" at mapapanood sa "A Chorus Line" ngayong Marso. 

"Papunta na yung Manila to being the Broadway of Asia. I love that kasi ang daming performers na Pinoy all around the world that are trying to find saan sila pwede to fit in with their talent. 

"Here in Manila, you can stay here because the theater industry is growing and booming talaga," ani Jordan na grateful maging parte ng lumalaking mundo ng teatro sa bansa. 

Kasama rin sa roster ng Star Magic theater artists si Omar Uddin, na patuloy na ipinapakita ang kanyang husay sa iba't ibang produksyon. Ilan sa kanyang mga naging proyekto ay "Tabing Ilog: The Musical", "Bar Boys", "Next to Normal", at "Delia D."

Bahagi si Omar ng "Quomodo Desolata Es? Isang Dalamhati" na muling magtatanghal sa entablado ngayong January 30. Isa rin sa aabangan ang kanyang theater stint sa "Spring Awakening" ngayong Pebrero. 

"Pag-empathize sa ibang tao, lalong-lalo na sa sarili mo kasi, personally ako, minsan kakalimutan ko na kung sino ako sa dami ng roles na ginagawa ko. 

"I would try my best to ground myself and remember who I am, how I really am, and learn from it." pagbabahagi ni Omar.  

Isa rin sa featured artists sa Spotlight presscon si Lance Reblando. Ilan sa kanyang theater credits ang "Tabing Ilog: The Musical", "Rent", "Mula sa Buwan", at "Walang Aray: The Musical," kung saan siya ang kauna-unahang transwoman na gumanap bilang leading lady na si Julia. 

Bukod sa teatro, napanood din siya sa pelikulang "Warla" noong 2025 at naging bahagi rin ng series na "Love at First Spike."

"Sa bawat role na ginagampanan ko, hindi mo matatanggal yung lived experience ko as a transwoman. 

"Kasi sobrang daming kinakaharap ng trans folks, lalo ng queer community, on a daily basis. So you get to see someone—me—play a role na off a trans experience," pahayag ni Lance. 

Tatlo sa mahuhusay na theater actors ng Star Magic sina Jordan Andrews, Omar Uddin, at Lance Reblando na makikita ang lakas ng kanilang henerasyon sa theater. Sila ang tunay na tatak Star Magic na may disiplina, may talento at professionalism sa kanilang napiling larangan. 

The post Jordan Andrews, Omar Uddin, Lance Reblando winner na winner sa teatro appeared first on Bandera.


Jordan Andrews, Omar Uddin, Lance Reblando winner na winner sa teatro Jordan Andrews, Omar Uddin, Lance Reblando winner na winner sa teatro Reviewed by pinoyako on February 01, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close