BREAKING NEWS

Barbie Forteza mag-isa uling magse-celebrate ng Valentine’s Day: Me time!

Barbie Forteza mag-isa uling magse-celebrate ng Valentine's Day: Me time!
Barbie Forteza, Charo Santos at Boots Anson Roa-Rodrigo

SOLO uling magse-celebrate ng Valentine's Day this year ang Kapuso Primetime Drama Princess na si Barbie Forteza.

Nakachikahan ng BANDERA at ilang piling members ng entertainment media si Barbie sa 81st birthday celebration ni Tita Boots Anson Roa-Rodrigo nitong nagdaang January 30, sa Club Filipino, Greenhills, San Juan City.

Isa si Barbie sa mga espesyal na bisita ni Tita Boots sa kanyang kaarawan along with Charo Santos-Concio. Magkakasama ang tatlong aktres sa post-Valentine movie na "Until She Remembers".

Isa sa mga naitanong kay Barbie ay ang kumusta na ang estado ng kanyang puso ngayong Love Month.

"My heart is full, and my heart is very happy. I really make time for myself. Mahilig talaga akong mag-Me time," aniya. 

At sa darating na Valentine's Day (February 14), "I'll spend it alone, just like last year. And super super happy. I'm surrounded with a lot of good friends.

"Kung nakikita n'yo, ang sipag ko na uli tumakbo. Kasi, ang dami ko ng mga kaibigan na nagyayaya sa aking tumakbo. 

"And that brings me so much joy na nakaka-inspire din kami ng iba to have a healthier lifestyle," saad pa ng dalaga.

Samantala, dream come true para kay Barbie ang makasama sa isang acting project ang mga movie icons na sina Charo Santos at Boots Anson Roa-Rodrigo.

Sa kuwento ng "Until She Remembers", gagampanan ni Barbie ang karakter ng 16-year-old high school student na si Angel at lola niya si Concha, played by Charo.

Sey ni Barbie tungkol sa working relationship niya Tita Boots and Miss Charo, "Naku! Kita n'yo naman, di ba? Bagets na bagets, super-Tiktok si Miss Charo, pero grabe!

"Sila pong dalawa, full of grace. Very gracious, and also very respectful to everyone.

"Alam po natin na siyempre sa estado nila, hindi na naman nila kailangang gawin yun, pero sa kanila pa talaga nanggagaling yung respeto at yung courtesy to be kind to everyone," aniya pa.

Showing na ang "Until She Remembers" sa February 25 mula sa direksyon ni Brillante Mendoza.

Kasama rin sa movie sina Vince Rillon, Angel Aquino, Albert Martinez, Eric Quizon, Angel Latorre, Bianca Kierulf, Erlinda Villalobos, Perla Bautista at Carlitos Siguion-Reyna.

The post Barbie Forteza mag-isa uling magse-celebrate ng Valentine's Day: Me time! appeared first on Bandera.


Barbie Forteza mag-isa uling magse-celebrate ng Valentine’s Day: Me time! Barbie Forteza mag-isa uling magse-celebrate ng Valentine’s Day: Me time! Reviewed by pinoyako on February 01, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close