BREAKING NEWS

Ai Ai delas Alas ayaw nang magdyowa ng bata: ‘At never na akong magpapakasal!’

Ai Ai ayaw nang magdyowa ng bata: 'At never na akong magpapakasal!'
Ai Ai delas Alas at Empoy Marquez

AYAW nang pumatol ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa lalaking mas bata sa kanya matapos mawasak ang relasyon nila ng estranged husband na si Gerald Sibayan.

Nakachikahan ng ilang members ng entertainment media si Ai Ai sa presscon ng latest movie niyang "Batang Paco" kasama si Empoy Marquez na ipalalabas na sa mga sinehan sa February 18.

Natanong ang beteranang komedyana kung pwede ba siyang ma-in love sa tulad ni Empoy?

"Hindi. Hindi na ako pumapatol sa bata ngayon. Ayoko na, hindi na. May age limit na siya ngayon. May tuldok na yon. Tapos na tapos na tapos na tapos na," sagot ni Ai Ai.

Sundot na question sa kanya kung may mga lalaking nagpaparamdam sa kanya ngayon, "Waley! Nganga! Hindi ako ready. In case, in case lang siguro, mga three years pa. Two, two pa."

Pero bukas pa ba ang puso niya kapag may dumating na bagong lovelife? "Ang hirap kasing magsalita, e. Kahit sabihin ko na ayoko na, di ba? Baka mamaya, ma-bash pa ako.

"'Sabi mo, ayaw mo na dati, e!' Pero mahirap kasing magsalita nang tapos. Pero as this moment, ngayon, hindi pa ako ready. Siguro one and a half or two years, ready ako.

"Or na-in love ako, e di kung in love din siya, 'Puwede tayong mag-intay ng two years?' Kasi siyempre, alam mo naman na sobra akong maka-Lord, Lord, Lord. In fairness naman, up to now, married pa rin ang status ko.

"Kasi, hindi pa ako annuled dito dahil dito. And hindi pa rin kami divorced ni Gerald. So I'm still married. And sa mata ng Diyos, kasal pa rin ako," paliwanag ni Ms. Ai.

Nasa plano naman daw niya ang pagpapawalang-bisa sa kasal nila ni Gerald, "Meron naman. Para naman maging, not for anything, para kampante din ako na if ever may dumating, at least, clean slate ako.

"Wala akong kasalanan sa mata ng Diyos. Wala akong poproblemahin in case. Pero never, eto…never na akong magpapakasal. Iyon, tuldok talaga yun. Kagaya ng ayaw ko na ng bata.

"Siguro, mga 46 and above. Or 50. Ayoko naman ng mga 70, aalagaan ko pa yun! Walanghiya, inaalagaan ko nga ang sarili ko, e. Kasi, mag-isa na ako," chika pa ng komedyana.

Open din ba siyang magkadyowa ng foreigner o Afam? "Actually, iyan ang sinasabi ng mga tao. Baka swak ako sa afam.

"Ang dating naman sa akin, 'Pucha, Pilipino nga, hindi kami magkaintindihan. Afam pa?!' Alam mo yon? Mahirap kasing mag-converse ng pagdating sa emosyon, di ba? 

"Kunyari, mag-aaway kayo. Kunyari lang, meron kayong pag-aawayan. Kunyari, 'Ikaw! Walanghiya ka, wala kang utang na loob!' E, ano ba ang utang na loob sa English?

"Iisipin ko pa. 'Ikaw, you… you… huwag na nga lang! Huwag na tayong mag-usap! ChatGPT, you wait for me!' Ganyan. Ang hirap, di ba?" ang nakakalokang sey pa ni Ms. Ai.

The post Ai Ai delas Alas ayaw nang magdyowa ng bata: 'At never na akong magpapakasal!' appeared first on Bandera.


Ai Ai delas Alas ayaw nang magdyowa ng bata: ‘At never na akong magpapakasal!’ Ai Ai delas Alas ayaw nang magdyowa ng bata: ‘At never na akong magpapakasal!’ Reviewed by pinoyako on February 01, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close