Jillian Ward humugot kay David: He makes me feel like an empowered woman

TATLO ang leading man ng Star of the New Gen na si Jillian Ward sa pinakabagong action-drama series ng GMA 7 na "Never Say Die."
Bukod kay Pambansang Ginoo David Licauco, makakasama rin ni Jillian sa naturang primetime serye si Raheel Bhyria at ang Korean star na si Kim Ji Soo.
Sa panayam ng GMA, inilarawan niya sina David, Raheel, at Ji Soo bilang mga kaibigan at katrabaho.
"Si Raheel po, lagi siyang nandiyan para makinig if kailangan ko siya, very supportive. Puwede ka mag-share sa kanya ng mga personal na nangyayari sa life mo, magbibigay siya ng life advice.
"Actually, hindi alam ng mga tao po yata but Raheel is very educated. Marami siyang alam, mahilig siyang magbasa ng mga books," pagbabahagi ni Jillian.
Sey naman niya about Ji Soo, "Medyo makulit pero very disciplined po siya sa set. I think isa 'yun sa mga natutunan ko sa kanya since nakawork ko din siya sa Abot-kamay na Pangarap.
"He's very disciplined. He's very serious sa trabaho niya," saad pa ng aktres.
Patungkol naman kay David, "He makes me feel like an empowered woman kahit younger ako sa kanya. 'Pag kausap ko po si David, feeing ko ang dami kong natututunan. He makes me feel like I'm smart also."
Iikot ang kuwento ng "Never Say Die" sa paghahanap ng hustisya at katotohanan ng isang vlogger at ng isang investigative journalist.
Magkasalungat man ang kanilang mga pananaw, mapipilitan silang magtulungan para mapabagsak ang isang malaking sindikato ng ilegal na droga.
Ka-join din sa "Never Say Die" sina Richard Yap, Analyn Barro, Raymart Santiago, Angelu de Leon, Wendell Ramos, Ayen Munji-Laurel, Jonathan Villoso, at Gina Alajar.
Mapapanood na ito simula ngayong February 2, 8:55 p.m. sa GMA Prime.
The post Jillian Ward humugot kay David: He makes me feel like an empowered woman appeared first on Bandera.

No comments: