Winwyn Marquez plano ring sumabak sa politika tulad ng parents?!

HINDI isinasara ng Kapuso actress at beauty queen na si Winwyn Marquez ang posibilidad ng pagsabak sa mundo ng politika.
In fairness, bahagi ang aktres ng isang political clan kaya naman nasa dugo na talaga niya ang pagiging public servant sakaling pasukin din niya ang politics.
Dating mayor ng Parañaque ang ama niyang aktor na si Joey Marquez habang ang nanay niyang showbiz icon na si Alma Moreno ay nagsilbi namang konsehal sa nasabi ring lungsod.
Sa ngayon ay isang barangay kagawad si Alma sa Tambo, Parañaque habang ang anak niyang si Yeoj Marquez naman ay konsehal sa 1st District ng Parañaque.
Sa panayam ng BANDERA kay Winwyn sa naganap na grand mediacon ng Kapuso series na "Never Say Die" kung saan gaganap uli siyang kontrabida, natanong namin siya about politics.
Una niyang nabanggit ang pagiging barangay kagawad ng inang si Alma, "Proud ako sa kanya, kasi even if she has a small position, she really wants to make a difference, hindi niya kailangan ng mataas na posisyon para makatulong.
"Kahit na kagawad siya, she's making a difference. And that's very admirable. Kahit na, alam naman natin yung mga pinagdaanan niya before, but her heart really belongs to helping other people.
"We know that she is a true person, and she's enjoying what's she's doing," pahayag ng aktres.
Sundot na tanong namin kung nai-imagine rin ba niya ang sarili na nasa politika, "Actually dati po akong SK (Sangguniang Kabataan) pero politics para sa akin, not now.
"Hindi ko pa kayang makipag-ano…kaikangan ko muna talagang matutunan kung ano ba talaga ang government.
"I think si Vice Ganda yata yung nagsabi, bago ka pumasok diyan, you should have a knowledge, actually kulang na kulang pa yung kaalaman ko about the government.
"Ako, I tried helping different organizations in the ways that I can, but not necessarily naman sa government.
"Like my brother is a also a councilor now and we talk, sasabihin niya, 'Win what do you want to do to help ganyan', we try to collaborate," pagbabahagi ni Winwyn.
Dagdag pa niya, "I don't need a position now to help, sa abot ng mga makakaya, tumutulong naman ako. If the time comes that maybe magpa-politics ako then why not but now, I'll help in ways that I can."
Samantala, nagpaliwanag din ang ating Miss Universe Philippines 2025 first runner-up, sa posibilidad ng pagsabak uli niya sa beauty pageant.
Na-excite kasi ang mga fans nang makita ang Instagram post niya kamakailan kung saan nakasuot siya ng one-piece swimsuit.
Paliwanag dito ni Winwyn, "Alam mo, hindi ako nagpaparamdam. Hindi, nakakatawa, kasi nagpu-post lang ako. Hindi, kasi sinagot ko na nga sa Facebook, 'Abangan niyo po ako sa primetime.'
"Pero parang ayaw nila maniwala na sa primetime ako lalabas," aniya na ang tinutukoy nga ay ang Kapuso primetime action-drama series na "Never Say Die."
"Oo. Pinost ko na siya, 'Sa primetime niyo po ako abangan,' parang walang pumansin," sabi ni Winwyn.
Nag-post daw siya ng kanyang naka-one-piece swimsuit photo, "Because it's MUPH season. We're gonna…you know, the top six. May bago nang Top Six sa susunod, e. So, I'm also excited to see the fresh batch, di ba?"
Hindi rin daw siya sasali sa first edition ng Miss Grand International All Stars, ang bagong pageant ng MGI Organization.
Ito ay isang exclusive global platform "for women and trans women who have distinguished themselves on international pageant stages, yet have not attained the ultimate title."
Ang edad na kuwalipikado rito ay 20 hanggang 40 years old "without restriction on marital status or motherhood." At tumataginting na isang milyong dolyar ang premyo para sa mananalo.
"Parang kailangan mo yata manalo…parang may round siya. O, di ba alam ko. Siyempre, ni-research ko din yan. Kaya aabangan ko muna kung ano mangyayari sa first season."
"No, I'm, I'm not joining Miss Grand All Stars. No, not this year. But sabi ko nga, again, never say die because I cannot close any doors.
"We'll never know what's gonna happen next. Pero abangan na lang nila kung ano yung mag-a-unfold," sabi ni Winwyn.
The post Winwyn Marquez plano ring sumabak sa politika tulad ng parents?! appeared first on Bandera.

No comments: