ChiKapalaran (February 2-8, 2026): Alamin ang iyong horoscope ngayong linggo

HALER, haler, haler mga ka-BANDERA! Lunes na naman kaya narito ang iyong resident charotera reader na magbibigay gabay sa iyong magulo ngunit makulay na buhay.
Simulan natin ang linggong ito with our pasabog na ChiKapalaran para sa bonggang-bonggang positive vibes.
ARIES (March 21-April 19)
Please, please, please! Huwag munang mag-open up ng iyong problema sa mga kaibigan. Meron kasi sa kanila na abangers lang ng tamang moment para wasakin ka.
May matatanggap na good news na magpapangiti sa iyo today. I-enjoy mo lang iyan besh dahil minsan lang mangyayari ito sa buhay mo.
Lucky Color: Yellow Green
Lucky Number: 3
Swerte Meter: 3 Stars
TAURUS (April 20-May 20)
Beshie, stop mo na ang pag-o-overthink. Hindi mo ikakasuwerte iyan. Ginawa mo na ang best mo at ang importante, you don't lose yourself in pleasing others.
Magiging successful ka rin after what happened. Go lang nang go at matatanggap mo eventually ang inaasam na tagumpay.
Lucky Color: Brown
Lucky Number: 9
Swerte Meter: 5 Stars
GEMINI (May 21-June 20)
Uy, ipagpatuloy mo lang ang pagsisipag at pagpapabibo sa work dahil kahit may mga mali sa past year, magiging maayos rin ang resulta nito. Change is coming. Abangers ka lang.
Lucky Color: Gray
Lucky Number: 25
Swerte Meter: 4 Stars
CANCER (June 21-July 22)
Kaloka ka friend! Bakit puro money na lang ang ginagawa mong solusyon sa lahat ng problema? Kahit ba mataas ang inflation ngayon, may mga pagsubok na ang sagot ay aksyon at hindi ang pamimigay ng kaperahan.
Wala ka naman sa Philippines Top 1%. Tigil mo na 'yan. Mag-ipon ka pero kung ayaw mo, sa akin mo na lang ipadala. Hindi naman ako tatanggi! Charottte!
Lucky Color: Velvet Red
Lucky Number: 16
Swerte Meter: 5 Stars
LEO (July 23-August 22)
Darating na ang inaasahang tao na matagal mo nang hinihintay. And yes, siya na nga ang sagot sa matagal mo nang ipinagdarasal. Huwag ka nang mag-inarte, this is your chance na maging happy uli.
Go with the flow lang at huwag nang matakot na magmahal uli. This is the perfect opportunity para maghilom ang sugatang puso.
Lucky Color: Violet
Lucky Number: 39
Swerte Meter: 3 Stars
VIRGO (August 23-September 22)
Stop the drama! Huwag sayangin ang oras sa hindi mo naman dapat pinoproblema! Keribels lang namang mag-rant sa social media pero huwag nang OA at baka malasin ka pa nang bongga.
Valid ang feelings mo pero huwag mo naman gawing personality. Kung may problem, communication is key. Pero kung wa epek talaga isuko mo na ang lavan!
Lucky Color: White
Lucky Number: 8
Swerte Meter: 4 Stars
LIBRA (September 23-October 22)
May darating na unexpected swerte ngayong linggo and finally, maibibigay na ng universe ang matagal nang wish. Kaya mapapa-sana all na lang ang mga taong nasa paligid mo.
Pero maghanda sa bagong challenge na darating dahil ang medyo boring mong life baka maging maaksyon this time.
Lucky Color: Green
Lucky Number: 6
Swerte Meter: 4 Stars
SCORPIO (October 23-November 21)
Huwag idamay ang ibang tao sa pagiging workaholic mo. Try mo ring magnilay-nilay sa mga hindi kagandahang nangyari sa life mo during the past weeks.
Pero may matatanggap na magandang balita mula sa isang kaibigan na matagal mo nang hindi nakikita. Pagbigayan ang request niya para good karma ka friend.
Lucky Color: Purple
Lucky Number: 23
Swerte Meter: 4 Stars
SAGITTARIUS (November 22-December 21)
Masyado kang maraming gusto sa buhay kaya hindi sapat sa 'yo ang manatili sa Pilipinas kaya gagawin mo ang lahat para makapunta ng ibang bansa.
Wala namang masama kung pipiliin mong mag-work abroad basta huwag mong kakalimutan ang iyong humble beginnings.
Lucky Color: Old Rose
Lucky Number: 11
Swerte Meter: 5 Stars
CAPRICORN (December 22-January 19)
Ituloy mo na ang matagal nang planong pagre-resign? Kung feeling mo ay hindi ka na masaya sa work mo, do it na!
Yang career shift na wino-worry mo, keribels mo yan. Mas makakatutong sa 'yo na maging financially stable kung ilalaban ang planong lumipat ng company.
Lucky Color: Lilac
Lucky Number: 5
Swerte Meter: 5 Stars
AQUARIUS (January 20-February 18)
Gamitin ang vacation leave para magmuni-muni sa buhay. Siguraduhing after mag-reflect ay ay may gagawin kang aksyon para maayos ang mga problemang matagal nang bumabagabag sa iyo.
Huwag matakot magkamali dahil dito magsisimula ang tagumpay mo. Tanggapin ang tulong ng isang kapamilya.
Lucky Color: Navy Blue
Lucky Number: 17
Swerte Meter: 4 Stars
PISCES (February 19-March 19)
Bongga ka beshie! Talagang hindi ka na magpapaawat for today's video. Matututo ka na ring lumaban sa mga nang-aapi sa 'yo dahil mari-realize mo na hindi dapat palaging bida ang peg mo.
Kailangang marunong ka ring magkontrabida sa ilang intense scenes. Keep slaying!
Lucky Color: Orange
Lucky Number: 45
Swerte Meter: 5 Stars
O, mga ka-BANDERA, palaging tandaan, ang mga nakasulat ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o balewalain.
Mayroon tayong freewill, gamitin natin itetch.
The post ChiKapalaran (February 2-8, 2026): Alamin ang iyong horoscope ngayong linggo appeared first on Bandera.

No comments: