BREAKING NEWS

Ayuda huhubaran ni Erwin Tulfo ng politika, babawasan ng mga dokumento

Ayuda huhubaran ni Erwin Tulfo ng pulitika, babawasan ng mga dokumento
Erwin Tulfo

HINDI na makakasawsaw ang mga pulitiko sa pagbibigay ng mga ayuda mula sa gobyerno, ang siniguro ni Sen. Erwin Tulfo.

Aniya lilimitahan na lamang din sa dalawang dokumento ang kakailanganin upang makahingi ng tulong-pinansyal.

"Ang gagawin natin ay lilimitahan ang mga requirement sa dalawa na lamang. Sisiguraduhin nating matatanggal ang mga hindi kailangang requirement gaya ng barangay indigency form at marriage contract. Halimbawa, kailangan mo ng medical assistance, valid ID at hospital bill lang ang kailangang ipakita," sabi ng namumuno sa Senate Social Justice & Welfare Committee.

Ngayon, pinagsusumite ang mga humihingi ng tulong ng valid ID, certificate of indigency mula sa barangay, barangay clearance, notarized affidavit, Social Case Study Report, at sa ilang pagkakataon maging marriage certificate.

Naniniwala ang senador na sa ganitong paraan ay hindi na makikialam ang mga pulitiko sa pagbibigay ng mga ayuda.

The post Ayuda huhubaran ni Erwin Tulfo ng politika, babawasan ng mga dokumento appeared first on Bandera.


Ayuda huhubaran ni Erwin Tulfo ng politika, babawasan ng mga dokumento Ayuda huhubaran ni Erwin Tulfo ng politika, babawasan ng mga dokumento Reviewed by pinoyako on February 01, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close