Paglubog ng RoRo vessel sa Basilan ipinasisilip ni Robin Padilla sa Senado

Naghain ng resolusyon si Sen. Robin Padilla para maimbestigahan ng Senado ang paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3 sa dagat ng Basilan kamakailan.
Sa Senate Resolution 266, sinabi ni Padilla na nais niyang palakasin ang batas ukol sa paglalagay sa karagatan para sa proteksyon ng mga pasahero at mapanagot ang mga responsable sa trahedya sa dagat.
Sa paglubog ng nabanggit na Roll-on/Roll-off (RoRO) vessel, nasawi ang 40 na pasahero at tripulante.
Binanggit nito na maganda ang panahon nang bumiyahe ang M/V Trisha Kerstin 3 mula Zamboanga City patungo sa Sulu at hindi din ito "overloaded" kayat dapat malaman ang "seaworthiness" ng naturang sasakyang pandagat.
Naitalaga sa Senate Public Services, na pinamumunuan ni Sen. Raffy Tulfo, ang pag-iimbestiga sa panibagong trahedya sa karagatan.
The post Paglubog ng RoRo vessel sa Basilan ipinasisilip ni Robin Padilla sa Senado appeared first on Bandera.

No comments: