BREAKING NEWS

Anne Curtis nasaksihan paglipad ng mga jet habang nasa eroplano pa-Dubai

Anne Curtis nasaksihan paglipad ng mga jet habang nasa eroplano pa-Dubai
Anne Curtis

NASAKSIHAN ng Kapamilya actress at TV host na si Anne Curtis ang paglipad ng mga high-speed jet habang nakasakay sa eroplano patungo sana sa Dubai.

Ipinost ni Anne sa kanyang Instagram Story ang maikling video kung saan makikita nga ang mga naturang jet malapit sa kanilang eroplano. 

Ayon sa aktres, bigla silang inabisuhan na hindi na muna sila makakatuloy patungong Dubai dahil sa nagaganap na kaguluhan at palitan ng airstrikes sa Middle East.

Mababasa sa text caption ng IG Story ni Anne, "Was on my way to meet my little fam in Dubai when I noticed a high speed jet flying beside us… 

"Next thing I knew they announced we would be returning around and making our way back to Milan due to the airstrikes," sey pa ni Anne.

Nag-alala rin ang "It's Showtime" host sa lahat ng mga naninirahan sa naturang rehiyon, lalo na sa mga Pilipinong naiipit sa giyera.

"Praying for all the families in the Middle East. Sa mga kababayan natin, ingat po. Stay safe everyone. Hoping things ease soon," saad pa ni Anne. 

The post Anne Curtis nasaksihan paglipad ng mga jet habang nasa eroplano pa-Dubai appeared first on Bandera.


Anne Curtis nasaksihan paglipad ng mga jet habang nasa eroplano pa-Dubai Anne Curtis nasaksihan paglipad ng mga jet habang nasa eroplano pa-Dubai Reviewed by pinoyako on February 28, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close