AJ Raval umiyak sa harap ni Toni: Alam ng Diyos, wala akong kasalanan!

HINDI napigilan ng dating Vivamax Queen na si AJ Raval na mapaiyak habang ibinabahagi ang matitinding pagsubok na pinagdaanan ng relasyon nila ni Aljur Abrenica.
Nagkuwento si AJ sa mga naranasang extra challenge lalo na noong nagsisimula pa lang ang pagsasama nila ni Aljur hanggang sa magkaroon na sila ng mga anak.
Inamin ng dating sexy star na hindi talaga naging madali para sa kanila ang pagtatago sa publiko, partikular na ang pagtatanggi at paglilihim na meron na silang mga anak ng hunk aktor.
Sa panayam kay AJ ni Toni Gonzaga para sa YouTube channel nitong "Toni Talks", inilahad ng aktres ang hirap at sakripisyo nila ni Aljur upang hindi muna malaman ng publiko ang tungkol sa tunay nilang relasyon.
Tanong ni Toni, "Bakit n'yo kailangang itago dati (ang relasyon n'yo)?"
"Siyempre maingay po nu'ng time na yun dahil po sa mga issue. Siyempre ayaw po namin madamay yung mga bata," sagot ni AJ.
Nanindigan ang aktres na wala silang tinapakan o sinaktan ni Aljur nang maging sila, "Nag-start po kami ni Aljur malinis po talaga."
"Wala na siya doon sa dati niyang relationship?" sundot na tanong ni Toni. "Wala na po," ani AJ.
"Kasi ang dating sa mga tao may overlap sa relationship, may third party, naging cause ng hiwalayan," reaksyon uli ni Toni.
"Pero hindi po. Hindi po talaga," sey naman ng partner ni Aljur.
Reaksyon ni Toni, "So para sa kaalaman ng lahat na may misconception, may judgement at may assumption sa relationship niyo. When you and Aljur got together, Aljur was already separated."
"Separated na po talaga sila that time," sagot ni AJ. Sey naman uli ni Toni, "Na hindi alam yan ng tao. Cause this is the chapter na hindi alam ng mga tao dahil ang iniisip ng mga tao.
"Ang naiwan sa kanila ay yung Aljur with the previous relationship. Kaya kapag may bagong babae sa picture nasa kanya na lahat ng blame," sey pa ng TV host-actress.
Next question ni Toni, "Paano mo hinandle yun?"
Ani AJ, "Sa part naman na yun Ms. Toni alam kong wala akong ginawang masama. Kaya lumaban talaga ako. Paulit-ulit kong sinasabi na hindi ako. Alam ng Diyos na hindi ako. Wala akong kasalanan.
"Naiisip ko nga Ms. Toni, bakit nangyari sa akin yung mga 'yun, kasi iyon ang plano sa akin ni Lord. Ito yung data kong pagdaanan," ang sabi pa ni AJ na tuluyan nang napaiyak. "Wala anong magagawa kung ito ang plano sa akin ni Lord, kundi tanggapin at i-embrace yung nangyayari."
"Mas importante ba talaga na tingnan ka ng maganda ng mga tao? Importante ba yung magiging tingin nila sa 'yo? O, mas importante kung ano ang magiging tingin sa 'yo ng Diyos?" saad pa niya.
"Bakit mo ni-reveal at inamin ngayong taon na may mga anak na kayo ni Aljur? Na ito na ang mga anak namin?" pag-uusisa muli ni Toni.
Tugon ni AJ, "Kasi po Ms. Toni gusto na namin matapos magtago, gusto na naming maging malaya. Sa bahay po namin may pumupuntang tao na hindi ko kilala, gusto lang nila maka-capture ng picture sa mga bata.
"Gusto namin silang ipasyal, gusto namin silang bigyan ng malalaking birthday celebration," lahad ni AJ.
Sa ngayon daw after nilang umamin ni Aljur na matagal na silang nagsasama at meron nang mga anak, ramdam na ramdam na nila ang pagiging malaya.
"Mas carefree na po kami ngayon. May freedom na po kami. Wala nang kailangang itago," sabi ni AJ.
At sa tanong ni Toni na, "Anong meron kay Aljur bakit mo nagustuhan?"
"Ang kagandahan po kasi kay Aljur yung values niya, alam kong maraming kokontra pero very responsible po siya and he's a good provider," sagot ni AJ.
The post AJ Raval umiyak sa harap ni Toni: Alam ng Diyos, wala akong kasalanan! appeared first on Bandera.

No comments: