Wish ni Lian Paz kay Paolo: Gusto ko may makasama ka rin habangbuhay

KAHIT nagkaayos na ay hindi pa rin pala co-parenting ang dating mag-asawa na sina Paolo Contis at Lian Paz.
Ito ang pahayag ng dating member ng grupong EB Babes nang mapag-usapan ang tungkol sa pagiging tatay ni Paolo sa mga anak nilang sina Xonia at Xalene.
"Wala pa kami du'n sa co-parenting. We're just enjoying the fact that we are friends right now. Taking things slowly. One step at a time," ang pahayag ni Lian sa panayam ng "Fast Talk with Boy Abunda".
Sey pa ng dating aktres at dancer, mas gusto nilang gawing pribado na lang muna ang tungkol sa kanilang mga anak.
Hirit na biro naman ni Lian, mas madalas pa raw magpalitan ng mensahe si Paolo at ang asawa niya ngayon na si John Cabahug na parang mag-BFF na ngayon.
"Actually, kasi gusto talaga namin private 'yung mga ibang bagay, 'di ba, Tito Boy? So hindi lahat naman talaga nilalabas namin sa publiko.
"So far ngayon, masaya lang talaga. Kasi nakikita namin din 'yung mga bata, na nagiging masaya sila. Yun 'yung importante sa amin ni John.
"'Yun 'yung importante kay Paolo right now, for sure, 'yung welfare ng mga bata. Masaya sila as of the moment," esplika pa ni Lian.
Nauna rito, nabanggit ni Lian na medyo may awkward moments pa nu'ng una sa pagitan ni Paolo at ng dalawa nilang anak pero eventually ay naging okay na ang mag-aama.
"Noong una, may awkward moments, nahihiya pa sila. Pero noong magkakasama kami, like noong concert, ayun, doon ko nakita na parang okay sila.
"Kasi nakita din nila kami na okay. So pagkita nila noon, parang mas na-open up na sila, na-loosen up sila. So far, friends sila. They treat their papa as their friend," pagpapatuloy ni Lian.
"Actually, pag-uwi ng bahay, 'pag magkakasama sila, kasi binibigyan ko sila ng time na sila lang. So pag-uuwi sila, magkukuwento sila, siyempre. And then, nakakatawa kasi sinasabi nila (mga anak), 'You know ma, papa is an overtalker, Oversharer,'" kuwento pa ni Lian.
Nagugulat nga raw ang mga bagets kapag kausap nila ang ama dahil hindi ito nauubusan ng kuwento. Ani Lian, "Sabi ko, siguro, siyempre, ang tagal niyong hindi nag-usap. So marami talaga 'yang makukuwento sa inyo."
Ito naman ang message ni Lian kay Paolo, "Pao, thank you. Thank you for being there. And thank you for being a friend. And I wish you well sa lahat-lahat.
"Gusto ko maging masaya ka rin sa buhay. At gusto ko meron ka rin makasama habang buhay," sey pa ni Lian.
The post Wish ni Lian Paz kay Paolo: Gusto ko may makasama ka rin habangbuhay appeared first on Bandera.

No comments: