BREAKING NEWS

Top 20 Student Shorts ng 2026 CinePanalo Film Festival ibinandera na 

Top 20 Student Shorts ng 2026 CinePanalo Film Festival ibinandera na 

IBINANDERA na ng Puregold CinePanalo 2026 ang Top 20 student short films na napili mula sa 267 entries na ipinadala ng mga mag-aaral mula sa iba't ibang panig ng bansa. 

Mula sa paunang Top 53 shortlist, napili ang pinakamahusay na obra na nilikha ng student filmmakers na sasabak sa ikatlong edisyon ng festival.

Ang 20 Student Shorts na napili para sa 2027 CinePanalo ay ang mga sumusunod: 

1. "Starfish" ni John Clite Apolinar mula Polytechnic University of the Philippines

2. "Alumahan" ni Christian Melvin M. Arejola mula pa rin sa Polytechnic University of the Philippines; 

3. "A Million Dream" ni Ace Joven Balleta ng University of Eastern Philippines

4. "Kanibal" ni Michael Baylon ng University of the Philippines (Visayas)

5. "Miss Intrams" ni Henri Marie C. Belimac ngUniversity of the Philippines (Mindanao); 

6. "The Sound of K" ni Jay Gabriel A. Cañada ng Visayas State University

7. "Teks Battle: Shoolt Pati Pato" ni John Russel Capule ng University of Caloocan City

8. "Tingi" ni Rowan De Aro ng Tanza National Comprehensive High School

9. "Pulis Dunggab" ni Maxine Dela Bajan ng iACADEMY Cebu

10. "Kapag Tapos na ang Umpukan" ni Justine Lee Estinor ng Manuel S. Enverga University Foundation

11. "Ang Huling Banlaw ni Susan" ni Hezekiah M. Estorque ng University of the Philippines (Visayas)

12. "Sa Mga Nagdaan at Lumipas" ni Ezaldea Carla Fernandez ng University of the Philippines (Open University); 

13. "12 Shots" ni Minnesota Flores ng University of the Philippines (Diliman)

14. "No Mad is An Island" ni Carl Geronimo ng City of Malabon University

15. "Nakabinbin" ni Carlo M. Gula ng Colegio de San Juan de Letran – Manila

16. "When Heaven Inched Towards Earth" ni Vinh Marco ng University of the Philippines (Diliman)

17. "Limlim" ni Samantha Beatriz Acoja Palaje ng St. Dominic College of Asia

18. "Bumtak Sara ti Nuangen (The Carabao's Horns Have Cracked)" ni  Lloyd Pereira ng Polytechnic University of the Philippines

19. "Kun Hain? Bisan Diin" ni Jomarie Reyes ng University of the Philippines (Diliman)

20. "Nang Matakasan ang Tagay" ni Giancarlo Santiago ng University of the Philippines (Diliman)

Makatatanggap ang mga batang filmmaker ng production grant na PhP200,000, bukod pa sa sponsorship ng equipment packages para masuportahan ang produksiyon ng kanilang mga pelikula bilang bahagi ng mas pinalawak na programa ng Puregold CinePanalo ngayong taon.

Sa pakikipagtulungan ng Asia Pacific Film Institute (APFI), inilunsad din ang pinalawak na educational incentives para sa mga kalahok. 

Ang mga mananalo ng Best Film, Jury Prize at Best Director ay magiging kwalipikado para sa full scholarship sa APFI, kasama ang iba pang tuition benefits at career guidance programs.

Ipinahayag ni Ms. Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold, ang pagbati sa Top 20 finalists. 

"Hindi naging madali ang marating ang yugtong ito. Naniniwala kami na ang mga batang filmmaker na ito ang may dalang mahahalagang kuwentong kailangang maibahagi sa kasalukuyang panahon. 

"Ipinagmamalaki naming mabigyan sila ng plataporma upang maisabuhay ang kanilang mga kuwento, at inaabangan naming makita kung paano tatanggapin at makare-relate ang mga manonood sa mga pelikulang ito," aniya pa.

Isa na ngayong kinikilalang plataporma sa industriya ng pelikulang Filipino, ang Puregold CinePanalo na isang festivalat naglalayong itaguyod ang boses at sining ng mga batang Filipino filmmaker. 

Mula nang ilunsad ito, daan-daang libong piso na ang naipamahaging production grants, na nagbukas ng mas maraming oportunidad para sa kanilang propesyonal na pag-unlad at exposure.

Gaganapin ang Puregold CinePanalo Film Festival mula Setyembre 23 hanggang Oktubre 4, 2026 sa Gateway Cineplex 18 sa Araneta City at sa piling Ayala Cinemas, na ipalalabas ang 20 student shorts kasabay ng pitong full-length feature films.

Ang mga pelikulang nalikha at naipalabas sa mga nakaraang edisyon ng festival ay  patuloy na umaani ng kritikal na papuri, naipalabas sa iba't ibang kilalang film festivals sa loob at labas ng bansa, at nagkamit ng mga parangal.

The post Top 20 Student Shorts ng 2026 CinePanalo Film Festival ibinandera na  appeared first on Bandera.


Top 20 Student Shorts ng 2026 CinePanalo Film Festival ibinandera na  Top 20 Student Shorts ng 2026 CinePanalo Film Festival ibinandera na  Reviewed by pinoyako on January 31, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close