BREAKING NEWS

Willie Revillame sa 7 years na relasyon kay Sugar: Hindi kami para sa isa’t isa

Willie Revillame sa 7 years na relasyon kay Sugar: Hindi kami para sa isa't isa
Sugar Mercado at Willie Revillame

DIRETSAHANG inamin ng veteran TV host na si Willie Revillame ang naging relasyon nila ni Sugar Mercado na tumagal din ng seven years.

Game na game na sinagot ni Willie ang maiintrigang tanong ng entertainment press sa naganap na grand mediacon ng bago niyang game show, ang "Wilyonaryo."

Isa nga sa mga naitanong sa kanya ay ang naging relasyon nila ng dati niyang co-host at former member ng SexBomb Dancers na si Sugar.

Buong-ningning na inamin ng TV host na totoong naging sila ni Sugar pero nagkahiwalay din dahil parang hindi sila itinadhana para sa isa't isa."Napamahal na sa akin mga anak ni Sugar, parang naging mga anak ko na rin sila. Kasi hindi ko naman nakakasama mga anak ko, du'n ako nabaling, sa mga anak niya.

"So, doon ako nag-eenjoy kasama mga bata, bino-blower ko yung mga anak niya. Naging ano 'ko talaga, totoo naman yun, hindi ako magdedenay diyan. Hindi naman dapat idinedenay ang totoo, e," ang pahayag ni Willie.

"Kaya lang, it just that, siguro hindi talaga para kami sa isa't isa. Pero 'yung talagang nagpasaya sa akin nu'n… si Sugar at saka 'yung mga anak niya, kasi nga hindi ko na kasama ang mga anak ko. Parang naging happy ako nu'ng makasama ko ang mga anak niya.

"Yun bang parang nangulila ako sa mga anak ko, parang du'n ako naano…alam naman ng mga anak ko yan. Tsaka hindi naman selosa mga anak ko, e. Kasi nakita rin nila naging masaya ako at naging fair naman ako sa kanila.

"Okay lang yun, tsaka hindi mo dapat dinedenay naging karelasyon mo, kawawa naman yung babae. Totoo naman yun, hindi ako ganu'ng klaseng tao (magdedenay)," saad pa ni Kuya Wil.

Matatandaang noong March, 2025 nang aminin ni Sugar na nagkaroon sila ng relasyon ni Willie. 

"Hanggang ngayon, hindi na maaalis 'yun sa buhay naming mga anak ko, nasa puso na namin siya habang buhay. 

"Wala naman akong masasabing hindi maganda sa kanya kasi minahal niya talaga 'yung mga bata," sey ni Sugar sa panayam ni Ogie Diaz.

Samantala, mapapanood na ang "Wilyonaryo" simula sa January 25, dalawang araw bago ang 65th birthday si Willie, sa official website ng programa na wilyonaryo.com.

The post Willie Revillame sa 7 years na relasyon kay Sugar: Hindi kami para sa isa't isa appeared first on Bandera.


Willie Revillame sa 7 years na relasyon kay Sugar: Hindi kami para sa isa’t isa Willie Revillame sa 7 years na relasyon kay Sugar: Hindi kami para sa isa’t isa Reviewed by pinoyako on January 20, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close