Daniel Padilla, Kaila Estrada spotted together sa El Nido, Palawan

SPOTTED together ang rumored celebrity couple na sina Daniel Padilla at Kaila Estrada sa El Nido, Palawan.
Marami sa mga netizens ang nagbabahagi ng kani-kanilang entries sa pagpapa-picture sa dalawa habang nagbabakasyon.
Tila muling binalikan nina Kaila at Daniel kung saan ang naging unang misyon nila sa kanilang naging hit serye na "Incognito".
Matatandaang ito ang naging unang teleserye na pinagsamahan ng dalawa at ang unang araw ng location ng taping nila ay sa El Nido, Palawan mismo.
Baka Bet Mo: Daniel Padilla, Kaila Estrada magkasunod na lumipad pa-Boracay?
Sa naturang teleserye rin nagsimula ang friendship nina Daniel at Kaila hanggang sa nauwi na nga sa pagkakamabutihan ng dalawa.
Tila tuloy tuloy na ang pagsasama ng dalaawa sa publiko at wala nang tinatago pa.
Kumbaga ay hard launch kung hard launch ang atake nina Daniel at Kaila.
Well, wala namang masama dahil parehas namang single ang dalawa.
'Yun na!
The post Daniel Padilla, Kaila Estrada spotted together sa El Nido, Palawan appeared first on Bandera.

No comments: