Enrique Gil gumanti, in-unfollow rin si Liza Soberano sa IG

TILA may gantihan na naganap matapos i-unfollow ng Kapamilya actor na si Enrique Gil ang dating ka-love team at ex-girlfriend na si Liza Soberano.
Matatandaang naiulat na namin sa BANDERA ang pag-unfollow ng dalaga sa kanya pati na rin sa "rumored" boyfriend nitong si Jeffrey Oh, ang dating CEO at kasosyo ni James Reid sa Careless.
Kaya naman marami sa mga netizens ang nakaantay kung ano ang magiging hakbang ni Enrique matapos itong mapabalita.
Baka Bet Mo: Liza Soberano in-unfollow sina Enrique Gil, Jeffrey Oh sa Instagram, anyare?
At nang bisitahin namin ang Instagram page ni Enrique ay makikitang naka-unfollow na nga ito sa dalaga.
Matatandaang matapos ang kaliwa't-kanang intriga hinggil sa kanilang relasyon ay noong August 2025 lamang ito kinumpirma ng dalaga.
Naganap ang paghihiwalay nina Enrique at Liza noong October 2022.
"I've been honestly itching to tell people this because I haven't been very truthful. Quen hasn't been very truthful. Quen and I broke up. But yeah, we've been broken up for almost three years now.
"And the reason, well, originally the reason why we haven't said anything about it is because Enrique or Quen asked me not to say anything about it first," saad ng aktres sa podcast na "Can I Come In," lahad ni Liza sa podcast-cinema-documentary sa YouTube.
The post Enrique Gil gumanti, in-unfollow rin si Liza Soberano sa IG appeared first on Bandera.

No comments: