BREAKING NEWS

Jolo Revilla umalma sa publiko: Katotohanan ang mananaig

Jolo Revilla umalma sa publiko: Katotohanan ang mananaig

NANAWAGAN si Cavite 1st District Rep. Jolo Revilla kaugnay sa ginawang kusang pagsuko ng kanyang amang  si dating Sen. Ramon "Bong" Revilla, Jr. sa mga awtoridad kaugnay sa kasong isinampa laban sa kanya matapo masangkot sa maanomalyang flood control project sa Bulacan.

Sa kanyang Facebook page, inilahad niya na ang desisyon ng kanyang ama na kusang sumuko ay sinadya para direktang harapin ang mga paratang ibinabato laban sa kanya at patunayan ang pagtitiwala nito sa mga institusyong panghukuman ng bansa.

Ayon pa kay Jolo, hindi ito pag-iwas at malinaw na pagpapakita na handa itong humarap sa publiko para linisin ang pangalan ng ama.

Baka Bet Mo: Bong Revilla nagpiyansa ng P90K sa graft case ng P92-M Bulacan project

"The decision of my father, Ramon Bong Revilla, Jr., to voluntarily submit himself to the authorities was a deliberate step to confront the accusations head-on and to affirm his faith in our legal institutions," saad ni Jolo.

"Hindi ito pag-iwas, kundi pagharap. He believes that the proper place to resolve these issues is inside the courtroom, where facts matter and the law speaks louder than speculation."

Bilang anak, aminado si Jolo na mahirap ang kinakaharap ngayon ng kanilang pamilya kaya nananawagan siya ng patas na pagdinig para sa ama.

"As a son, this is a difficult moment for our family. As a legislator, I recognize the importance of accountability and the integrity of due process. In this light, we respectfully call for fairness—fair treatment under the law, fair judgment based on evidence, and fairness in public discourse that refrains from trial by publicity," pagpapatuloy pa niya.

Hiling rin ni Jolo ang responsableng diskurso ng publiko at maiwasan ang "trial by publicity."

"Nagpapasalamat kami sa patuloy na panalangin at malasakit ng mga taong nananatiling naniniwala sa patas at makatarungang paglilitis. Sa huli, naniniwala kami na ang katotohanan ang mananaig," pagwawakas pa ni Jolo.

The post Jolo Revilla umalma sa publiko: Katotohanan ang mananaig appeared first on Bandera.


Jolo Revilla umalma sa publiko: Katotohanan ang mananaig Jolo Revilla umalma sa publiko: Katotohanan ang mananaig Reviewed by pinoyako on January 20, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close