Mika Salamanca nakaharap sa camera kapag naliligo sa PBB

NAKAKALOKA ang naging rebelasyon ng "Pinoy Big Brother: Celebrity Collab" Kapuso Big Winner na si Mika Salamanca tungkol sa kanyang pananatili sa Bahay Ni Kuya.
Sa kanyang panayam sa vlog ni Viy Cortez inilahad ng dalaga ang paraan ng kanyang pagligo noong nakatira pa sa pinakasikat na bahay sa bansa.
Lahad ni Mika, totoo na 24/7 bantay sarado ang mga housemates sa mga kamera sa loob ng PBB house.
Aniya, wala silang privacy noong naninirahan oa sa Bahay ni Kuya kasabay ang kanyang pag-amin sa isang bagay.
Baka Bet Mo: Mika Salamanca, Will Ashley sa HK trip: 'friendly, group vacation' lang
"Nakakatawa kasi noong nasa loob ng PBB, nalaman ko lang no'ng mga last week na, si AZ [Martinez] nagsabi sa akin, nakatalikod pala sila sa camera 'pag naliligo. Kasi ako nakaharap," lahad ni Mika.
"Gaga ka!" sabi naman ni Viy nang marinig ang pasabog ng dalaga.
Chika pa ni Mika, apat na buwan lang ang kanilang naging pamamalagi sa loob kung saan wala silang ideya sa mga nangyayari sa outside world pati na rin sa petsa at oras dahil bawal ito sa PBB.
Pero may natatanging housemate umanong nakabisado ang petsa ng inilagi nila simula nang maging opsiyal silang PBB housemates at ito ay si Will Ashley.
Matatandaang 2005 nang umere sa ABS-CBN ang unang season ng PBB kung saan nagmarka ang unang collab ng Kapamilya at Kapuso housemates para sa naturang "teleserye ng totoong buhay".
Kasama ni Mika na nagwagi ang Kapamilya actor na si Brent Manalo bilang Big Winner.
The post Mika Salamanca nakaharap sa camera kapag naliligo sa PBB appeared first on Bandera.

No comments: