BREAKING NEWS

Bong Revilla nagpiyansa ng P90K sa graft case ng P92-M Bulacan project

Bong Revilla nagpiyansa ng P90K sa graft case ng P92-M Bulacan project

NAGBAYAD ng P90,000 piyansa si dating Senador Ramon "Bong" Revilla Jr. kaugnay ng kasong graft na isinampa laban sa kanya na may kinalaman sa umano'y anomalosong P92.8-milyong infrastructure project sa Pandi, Bulacan.

Nahaharap ang dating senador sa mga kasong graft at malversation of public funds through falsification of public documents sa Sandiganbayan Fourth at Third Divisions.

Naglagak lamang si Revilla ng piyansa para sa kasong graft sa Fourth Division Clerk of Court nitong Martes ng hapon, January 20, dahil hindi maaaring piyansahan ang kasong malversation.

Ibig sabihin, hindi siya maaaring pansamantalang makalaya habang nakabinbin ang kasong malversation sa anti-graft court.

Baka Bet Mo: Bong Revilla supporters nagprotesta: Kaisa mo kami!

Ayon sa kautusang inilabas ng Sandiganbayan Third Division, mananatiling nakakulong si Revilla sa New Quezon City Jail sa Payatas.

Bukod sa dating senador, anim na opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nahaharap din sa kaparehong mga kaso kaugnay ng ₱92.8-milyong flood control project sa Purok 5, Barangay Bunsuran sa Bulacan.

Isinampa ng Office of the Ombudsman ang mga kaso matapos ang isang imbestigasyon, sa pakikipag-ugnayan sa Department of Justice, na nakakita ng probable cause na hindi kailanman ipinatupad ang proyekto ngunit idineklarang tapos na.

Inakusahan sina Revilla at iba pa ng pamemeke ng accomplishment reports, pag-isyu ng mga fraudulent billing document, at pag-endorso ng mga disbursement voucher.

Nag-ugat din ang kaso mula sa referral ng Independent Commission on Infrastructure, batay sa mga pahayag ng dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo, na naglantad ng umano'y kickbacks na kinasasangkutan ng mga mambabatas at opisyal, kabilang na ang dating senador.

Samantala, mariin namang itinanggi ni Revilla ang mga paratang na ito.

Matatandaang nitong Lunes ng gabi, January 19, sumuko ang dating senador matapos maglabas ng warrant of arrest laban sa kanya.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakulong ang dating senador. Nauna na siyang nadetine kaugnay ng kasong plunder na nagmula sa Priority Development Assistance Fund scam, matapos maglabas ang Sandiganbayan ng warrant of arrest laban sa kanya noong June 20, 2014.

The post Bong Revilla nagpiyansa ng P90K sa graft case ng P92-M Bulacan project appeared first on Bandera.


Bong Revilla nagpiyansa ng P90K sa graft case ng P92-M Bulacan project Bong Revilla nagpiyansa ng P90K sa graft case ng P92-M Bulacan project Reviewed by pinoyako on January 20, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close