BREAKING NEWS

Nicole Hyala binalikan pakikibaka sa EDSA 2: Hindi talaga ko Disney Princess

Nicole Hyala binalikan pakikibaka sa EDSA 2: Hindi talaga ko Disney Princess

PASABOG ang naging throwback photo ng kilalang radio host at DJ na si Nicole Hyala matapos nitong ibandera ang pakikipaglaban noong panahon ng EDSA Dos.

Nauuso kasi ngayon ang trend na "2026 is the new 2016" kaya naman hindi nagpakabog ang kilalang DJ at mas tinalbugan pa ang ilang entries na trending sa social media.

Sa kanyang social media post nitong Lunes, January 19, ibinahagi ni Nicole Hyala o si Emmylou Gaite-Tiñana sa totoong bubay, ibinahagi niya ang kanyang pakikiisa sa EDSA Dos na naganap 25 years na ang nakalilipas.

Baka Bet Mo: Nicole Hyala may thyroid cancer: Mali ka ng kinalaban, 'wag ako!

Kalakip ng kayang post ang isang video clip na umere noong January 17, 2001 sa "TV Patrol" na hindi na raw ni Nicole halos maalala kung ano ang mga nangyari noon.

"Look what resurfaced! Hahahaha! I don't remember this interview at all. Sabagay, almusal ko nga kanina, limot ko na e. Hahahaha! Anyway, kung ang trend ay 2016 throwback, ten years back, let me share mine from 25 years ago, 2001.

"Student Council President of Assumption, standing with and leading the Assumption community in EDSA. Then it dawned on me: Noon pa man, palaban na. Noon pa man, may calling to serve. Noon pa man, lumalaban na. Noon pa man, hindi na talaga ako Disney princess. Haha! Noon pa man, cut to be a warrior talaga," saad ni Nicole Hyala.

Dagdag pa ng kilalang DJ, may mga bagay raw talagang hindi nagbabago, mula noon hanggang ngayon.

Giit pa ni Nicole Hyala, "Some things never change. Mula noon, hanggang ngayon, lagi na lang ako nakikibaka, ipinaglalaban lahat ng dapat ipaglaban — Pilipinas, lovelife, pamilya, kalusugan, Love Radio. Kahit mahirap at takot, I show up and fight," aniya.

"Apakatapang naman nung mga panahon na yan, kala mo may kilay. Hahahaha!"

Matatandaang isinagawa ang ikalawang EDSA People Power Revolution noong January 16, 2001 hanggang Januar 20, 2001. Layunin patalsikin sa puwesto si dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada dahil sa "plunder charges" na nakahain laban sa kaniya.

Bunsod nito, humalili sa pagkapresidente si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na siyang bise presidente sa administrasyon ni Erap.

The post Nicole Hyala binalikan pakikibaka sa EDSA 2: Hindi talaga ko Disney Princess appeared first on Bandera.


Nicole Hyala binalikan pakikibaka sa EDSA 2: Hindi talaga ko Disney Princess Nicole Hyala binalikan pakikibaka sa EDSA 2: Hindi talaga ko Disney Princess Reviewed by pinoyako on January 20, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close