BREAKING NEWS

Vitaly Zdorovetskiy, balik socmed matapos makalaya; dinaga, inipis sa loob ng kulungan

MULING nagbaliktanaw ang Russian vlogger na si Vitaly Zdorovetskiy sa kaniyang naging karanaa. Matapos makulong sa Pilipinas.

Sa kanyang Instagram post nitong Miyerkules, January 21, ibinahagi niya ang ilang larawan na kuha noong nakulong siya hanggang sa makuwi siya ng Russia matapos mapa-deport.

"After 290 days in the [Philippines] jail with rats, cockroaches, and +35 Celsius weather, I am finally free," kwento ni Vitaly.

Pagpapatuloy pa niya, "They really tried to break me but it built me."

Baka Bet Mo: Russian vlogger Vitaly Zdorovetskiy pwede nang i-deport matapos makulong

Chika pa ni Vitaly, ginugol niya ang 91 days ng kaniyang pagkakakulong na nasa isolation ng ngunit sa kabila nito ay hindi siya sumuko.

"Out of the 290 days, I spent 91 days in complete isolation. They wanted me gone but I'm here, all glory to GOD!" sabi pa ng Russian vlogger.

Nagpasalamat naman si Vitaly sa mga taong naging sandalan niya at ibinandera sa kanyang supporters ang paglalabas niya ng documentary sa naging karanasan.

"Without faith it wouldn't be possible, thank you to everyone who had my back during these difficult times, I appreciate you… your boy is BACK!! Full documentary coming soon!" masayang sabi ng Russian vlogger.

Matatandaang nitong Sabado, January 17, bumalik na sa Irkutsk, Russia ang si Vitaly matapos ang paglabas ng deportation order laban sa kanya.

Bago ito ay siyam na buwan rin siyang na-detain sa Pilipinas matapos ireklamo ng harassment.

The post Vitaly Zdorovetskiy, balik socmed matapos makalaya; dinaga, inipis sa loob ng kulungan appeared first on Bandera.


Vitaly Zdorovetskiy, balik socmed matapos makalaya; dinaga, inipis sa loob ng kulungan Vitaly Zdorovetskiy, balik socmed matapos makalaya; dinaga, inipis sa loob ng kulungan Reviewed by pinoyako on January 21, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close