Rita Avila naalarma sa patuloy na pagbulusok ng skills ng mga estudyante

NAALARMA ang aktres na si Rita Avila hinggil sa kondisyon ng mga estudyanteng Pinoy sa Pilipinas.
Sa pamamagitqn ng isang Facebook post nitong Lunes, January 19, ibinahagi ni Rita ang isang artcard mula sa Inquirer.net.
Ayon sa ibinahaging post ni Rita, base sa datos ng Department of Education (DepEd) mula 2023 hanggang 2025, makikita na 70% ng mga estudyante sa Grade 3 ang patuloy na nahihirapan sa mga batayang kakayahan.
Lahad ng aktres, "Kawawa naman ang mga bata. Kawawa ang mga magulang na gumagastos. Kawawa rin ang mga guro na mababa ang sahod. Kawawa ang ating bansa. Dami pa namang walang alam na sila pa ang maingay at galit."
Baka Bet Mo: Rita Avila inalala 18th b-day ng yumaong anak: ANGELS LIVE FOREVER!
Pagpapatuloy pa ni Rita, "Yeah too much gadgets, privilege, busy parents, weak system… Sana parang sa Japan, etiquette & values muna ang tinuturo sa mga bata.
"P.S. Naalala ko ang nabasa ko sa libro ni Atty. Alex Lacson na kapag maraming mahihirap at mangmang, mas gusto ng mga tatakbong politiko para mas madali na makuha nila ang loob ng mga ito.
Maging ang mga netizens ay hindi napigilang mag-react hinggil sa ibinahagi ni Rita.
"Wala na kasing study habits pagdating sa bahay Cellphone kaagad.. Then, teachers are restricted when it comes to discipline," saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, "I agree po Ms. Rita. Being part of Senior High Teaching Staff, we're truly struggling din to teach kasi walang retention ng knowledge gaano ang students sa subjects nila in Elem and Junior High. Plus the values talaga, hindi makapag-impose ng maayos na discipline sa ngayon."
Ilan sa mga batayang kakayahang tinutukoy ng DepEd ay ang kakayahang kumilala ng letra at tunog, bumasa ng mga karaniwang salita, umunawa ng mga simpleng parirala, magbilang, at gumawa ng mga simpleng numerical problem-solving.
The post Rita Avila naalarma sa patuloy na pagbulusok ng skills ng mga estudyante appeared first on Bandera.

No comments: