BREAKING NEWS

Vice Ganda sa mga korap: Kailangang mapalitan lahat, walang dapat matira!

Vice Ganda sa mga korap: Kailangang mapalitan lahat, walang dapat matira
Vice Ganda

NAGBIGAY ng wish ang Unkabogable Star at MMFF 2025 Best Actor na si Vice Ganda para sa ABS-CBN pati na sa buong Pilipinas. 

"Magwi-wish ako para sa mga taga ABS-CBN, sana maging successful ang mga programang ima-mount ninyo at sana magkaroon pa kayo ng maraming opportunities sa platforms para makabawi-bawi naman ang kumpanya,"  ang seryosong sabi ni Vice bago ihagis ang barya sa wishing well sa Hongkong Disneyland.

Sa vlog ni Vice ay ipinakita niya ang ilang magagandang spot sa loob ng Hongkong Disneyland kung saan sila nag-shoot ng pelikulang "Call Me Mother" kasama si Nadine Lustre na nakapanayam niya para sa kanyang YouTube channel.

Dumako ang dalawang "nanay" ni Lucas Andalio sa "Call Me Mother" sa wishing well kung saan nag-wish si Nadine para sa kapatid niyang pumanaw na sana ay at peace ito dahil ramdam ng aktres na nasa paligid lang ito.

Si Vice naman bukod sa good health ng buo niyang pamilya kasama rin ang pamilya ng partner niyang si Ion Perez ay isinama niya ang Kapamilya channel kung saan siya nagtatrabaho.

Sa pagpapatuloy ni Vice, "Sana makahinga, nakakahinga naman pero parang mabigat parang may nakadagan (sa dibdib sabay muwestra) hindi tuluyang malaya 'yung mga kamay para mas lalong maraming ma-reach 'yun magaganda at mahuhusay na programang ginagawa ng ABS-CBN. 

"yon ang wish ko para sa mga Kapamilya, sa mga empleyado. Sa buong ABS-CBN family na mas maging maayos maganda ang kundisyon ng pamumuhay personal at propesyunal," sabi ni Vice.

Hindi naman kaila na hanggang ngayon ay marami pa ring pagsubok na hinaharap ang ABS-CBN at inaayos naman nila ito internal at para mapanatili ang kanilang viewers ay patuloy pa rin silang gumagawa ng magagandang palabas na napapanood na ngayon sa ALL TV2, bukod pa sa ABS-CBN Entertainment sa YouTube at iba pang platforms.

Anyway, may isa pang wish si Vice na tulad din ng kay Nadine na nagsabing, "Sana ma-abolish na 'yung corruption, alam ko namang sobrang hirap no'n pero mararamdaman ko na iyon ang (dahilan) ng pag-angat ng Pilipinas."

Ang kay Meme Vice naman, "Ako ang wish ko, mawala silang lahat (mga kurakot) sa Pilipinas pero hangga''t nandiyan sila ay imposibleng mawala kaya kailangang mabago natin 'yun na mawala silang lahat. Absolutely, mapalitan silang lahat ng mga bago na fresh, matitino, maganda ang kaluluwa, maganda ang puso, ganu'n! Kailangang mapalitan silang lahat, walang dapat matira."

The post Vice Ganda sa mga korap: Kailangang mapalitan lahat, walang dapat matira! appeared first on Bandera.


Vice Ganda sa mga korap: Kailangang mapalitan lahat, walang dapat matira! Vice Ganda sa mga korap: Kailangang mapalitan lahat, walang dapat matira! Reviewed by pinoyako on January 07, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close