BREAKING NEWS

1st day ng ‘Pahalik’ sa Quirino Grandstand dinagsa ng libo-libong deboto

1st day ng 'Pahalik' sa Quirino Grandstand dinagsa ng libo-libong deboto
INQUIRER photo/Niño Jesus Orbeta

Marami sa mga nagpunta ay mga senior citizen, persons with disabilities (PWDs), at 'yung mga mas piniling hindi makisiksik sa milyon-milyong tao sa nalalapit na prusisyon ng Traslacion.

Ayon sa Manila Police District (MPD), tinatayang nasa 4,800 deboto na ang nagtipon sa Maynila para sa tradisyonal na Pahalik sa Poong Hesus Nazareno hanggang 7:00 a.m.

Samantala, wala pa ring naitatala na malubhang insidente ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) road emergency group, na may first aid station sa harap ng grandstand.

Ayon sa MMDA na nakachikahan ng INQUIRER, Ilan lamang sa mga natugunan ng kanilang grupo ay pananakit ng ulo, pagsusuka, minor na sugat at mga pasa.

Baka Bet Mo: Bakit tinanggal ang 'Itim' sa pangalan ng Poong Hesus Nazareno?

Sinabi rin nila na mas kaunti ang bilang ng mga debotong nangailangan ng tulong medikal kumpara sa mga nagdaang taon.

Nakatulong daw ngayong taon ang mga itinayong tent na nagsilbing lilim at proteksyon laban sa init para sa mga nakapila.

Magpapatuloy ang Pahalik sa Quirino Grandstand hanggang Biyernes, January 9, o bago magsimula ang Traslacion sa nasabing lugar.

Ang taunang prusisyon ay muling pagsasadula ng Traslacion noong 1787, na ang ibig sabihin ay "solemn transfer" ng imahen mula sa orihinal nitong dambana sa Bagumbayan, na ngayon ay Rizal Park malapit sa Quirino Grandstand, patungo sa Quiapo Church.

Ang orihinal na imahen ng Poong Itim na Nazareno ay inukit mula sa kahoy na mesquite ng isang hindi kilalang iskultor at dinala mula Mexico patungong Maynila noong Mayo 31, 1606.

Bahagi itong nasira noong 1945 sa kasagsagan ng Labanan sa Maynila noong Ikalawang World War.

The post 1st day ng 'Pahalik' sa Quirino Grandstand dinagsa ng libo-libong deboto appeared first on Bandera.


1st day ng ‘Pahalik’ sa Quirino Grandstand dinagsa ng libo-libong deboto 1st day ng ‘Pahalik’ sa Quirino Grandstand dinagsa ng libo-libong deboto Reviewed by pinoyako on January 07, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close