BREAKING NEWS

PBBM nag-alok ng amnesty sa utang sa PhilHealth contributions

PBBM nag-alok ng amnesty sa utang sa Philhealth contributions
Bongbong Marcos, Jr..

BINIGYAN ng isang taon ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., ang mga negosyante, private employer, at self-employed para bayaran ang kanilang utang sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Ang mga utang na dapat mabayaran ay mula 2013 hanggang 2024.

"Inutusan ko po ang PhilHealth na magpatupad ng general amnesty para sa mga negosyante, private employer, mga self-employed na ating mga kababayan na hindi nabayarang kontribusyon sa PhilHealth," ang pahayag ni Marcos, Jr..

Sinabi ng Punong Ehekutibo na napakahalaga ng Philhealth sa lahat ng Pilipino.

Inanunsyo din nito na maglalabas ang Philhealth ng one-time waiver para sa interes ngayon taon.

The post PBBM nag-alok ng amnesty sa utang sa PhilHealth contributions appeared first on Bandera.


PBBM nag-alok ng amnesty sa utang sa PhilHealth contributions PBBM nag-alok ng amnesty sa utang sa PhilHealth contributions Reviewed by pinoyako on January 07, 2026 Rating: 5

No comments:

Sora Templates

close