Angela Muji 2 oras iniyakan sa dressing room mga hate comments: It got to me!

INIYAKAN ng Viva Artists Agency (VAA) talent na si Angela Muji ang pamba-bash at panlalait sa kanya ng mga bashers sa social media.
Matitinding pang-ookray ang naranasan ni Angela mula sa mga haters lalo na nang makilala na ang loveteam nila ng kanyang leading man na si Rabin Angeles.
Sa naganap na mediacon para sa launching movie nina Angela at Rabin kahapon, January 7, ang Filipino adaptation ng 2012 hit Korean film na "A Werewolf Boy," natanong kung naaapektuhan pa ba sila ng social media bashing.
"Noon naaapektuhan ako ng hate comments. Binabasa ko palagi. Pero natutunan ko mas healthy wag basahin," ang pahayag ni Rabin.
May mga kumukuwestiyon kasi kung bakit sila ang napili ng Viva Films para magbida sa "A Werewolf Boy" pero in fairness mas marami pa rin naman ang natuwa at na-excite para sa kanila.
"Kapag napag-uusapan namin ang movie, isa lang, gawin namin ang best namin. Ginawa naming inspirasyon ang mga haters. Kahit anong sabihin nila, paulit-ulit man, hindi kami babawi o sasagot. Gagawin lang namin ang lahat para mas gumaling," sabi pa ni Rabin.
Inamin naman ni Angela na talagang grabe ang epekto sa kanya ng mga pinagsasabi ng bashers laban sa kanya, lalo na noong nagsimula na silang mag-shooting.
"During shooting, I was bashed a lot. Hindi ako nagbabasa but that time, I could not stop reading. Ayaw tumigil ng brain ko.
"I wanted to read and know what they were saying about me. I was in the dressing room, I was crying for two hours straight, reading the hate comments, it got to me," saad ni Angela.
"It deeply affected me and my mental health. Towards the end of 2025, I learned how to accept it and take it as it is. Some people are really not going to like you. You won't always be someone's cup of tea," aniya pa.
"After that it was time for me to shoot again, I realized it help, ng eksena namin lumabas na lang siya. Wala pa siya action. I think that was the only good thing that I can take from that," dagdag pang rebelasyon ng aktres.
Pagpapatuloy niya, "Hate comments have become so normalized and are everywhere today. It's easy for people to hide behind fake profiles and dummy accounts, so they don't feel accountable for what they say.
"It's hard to track them, so they feel free to throw hurtful words. But even if we don't see your faces, even if you're hiding behind those pictures, God is always watching. At lahat ng ginagawa natin, may balik," ang sey pa ni Angela.
Samantala, tuwang-tuwa ang tambalang RabGel dahil sa magagandang feedback na natatanggap nila matapos mapanood ang dalawang version ng official trailer ng "A Werewolf Boy" na pinagbidahan ng Korean superstar na si Song Joong-ki sa original version.
Ngayon pa lang ay abangers na ang kanilang mga tagasuporta sa nalalapit na showing ng kanilang launching movie na idinirek ni Crisanto Aquino.
Kasama run sa movie sina Lorna Tolentino, Candy Pangilinan, Yayo Aguila, Jeffrey Hidalgo, at Albie Casino,
Mapapanood na ang "A Werewolf Boy" sa mga sinehan nationwide simula sa January 14.
The post Angela Muji 2 oras iniyakan sa dressing room mga hate comments: It got to me! appeared first on Bandera.

No comments: