Dating opisyal ng PNP sinita ng Napolcom dahil sa P70k suot na sapatos

UMANI ng batikos ang isang dating mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) matapos magsuot umano ng mamahaling sapatos habang naka-uniporme.
Ayon sa National Police Commission (Napolcom), nakatanggap pa sila ng mas maraming reklamo mula sa mga pulis kaugnay ng umano'y katiwalian noong panunungkulan ng dating direktor ng PNP Health Service (PNP HS), na nagretiro noong Disyembre.
Dalawang araw bago ang kanyang pagreretiro noong December 25, sinampahan ng kasong administratibo ng Napolcom ang police brigadier general dahil sa conduct unbecoming of a police officer.
Ito ay matapos siyang makita na nakasuot ng branded na sapatos na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P70,000 habang suot ang kanyang police uniform.
Baka Bet Mo: Gun, liquor, firecracker ban ipatutupad sa Maynila para sa Pista Ng Nazareno
"People might say it's just a pair of shoes, right? There have been multiple reports on alleged corruption in the Health Service, which we have received," pahayag ni Napolcom Executive Officer Rafael Calinisan, na iniulat ng INQUIRER.
Dagdag pa niya, "We were able to speak with numerous police officials. Some of them are from the Health Service itself, who have reported mismanagement [under the police brigadier general]."
Ayon kay Calinisan, mahigit limang pulis na ang lumapit sa Napolcom mula pa noong Oktubre upang maghain ng reklamo.
Gayunman, tumanggi siyang magbigay ng detalye tungkol sa mga iniulat na "corruption" at "mismanagement," dahil patuloy pa umano ang imbestigasyon.
Bagamat pinangalanan na ng ibang media outlet ang dating direktor ng PNP HS, pinili ng INQUIRER na huwag munang banggitin ang kanyang pangalan hangga't hindi nakukuha ang kanyang panig sa isyu.
Bukod sa conduct unbecoming of an officer, kinasuhan din ang opisyal ng less grave neglect of duty.
Ito ay matapos umano niyang hindi sumunod sa utos ng Napolcom na isumite ang kumpletong medical at psychological evaluation ng isang pulis mula Quezon City na iniimbestigahan dahil sa paggawa ng mga pahayag na itinuturing na mapanulsol.
Ipinaliwanag ni Calinisan ang PNP Memorandum DRD(C)-241121-487 na inilabas noong December 3, 2024 na malinaw na itinatakda na ang disenyo at paggamit ng all-white rubber shoes at all-black patrol shoes ay para mapanatili ang pagkakapare-pareho ng uniporme ng mga pulis.
Sa memorandum, nakasaad na ang all-white rubber shoes ay dapat "low-cut with shoelace and intended for athletic [use] or running."
Samantala, ang all-black patrol shoes naman ay dapat "mid-cut or low-cut with [a] round front portion; with tongue and shoelace; with a minimum of four sets of eyelets; made of canvas, leather, nylon or cotton; and have a black sole."
Binanggit din ni Calinisan ang Napolcom Resolution No. 2024-0643 na nagtatakda rin ng tiyak na pamantayan para sa black mid-cut patrol shoes.
Nilinaw ng Napolcom na walang tinutukoy na partikular na brand ang PNP memorandum o ang kanilang resolusyon para sa sapatos ng mga pulis.
Gayunman, iginiit ni Calinisan na may batayan ang kaso laban sa dating opisyal ng PNP HS.
"The public standing of a policeman is put into question when one is in uniform and wearing extravagant items," sey niya.
"The things we save up for, we all aspire to have nice things; there's nothing wrong with that. But, if you are in uniform … things must be uniform," dagdag pa niya.
Ayon pa kay Calinisan, pinag-aaralan ng Napolcom na i-update ang kanilang mga pamantayan sa all-black patrol shoes upang mas malinaw kung ano ang katanggap-tanggap para sa mga pulis.
The post Dating opisyal ng PNP sinita ng Napolcom dahil sa P70k suot na sapatos appeared first on Bandera.

No comments: